Diego sa naging cryptic post ng ina ng kanyang anak: "I will always be understanding of Lex"

Diego sa naging cryptic post ng ina ng kanyang anak: "I will always be understanding of Lex"

- Naidetalye ni Diego Loyzaga kung paano sila nagkaayos noon ng ina ng kanyang anak na si Alexis

- Matatandaang, hindi nag-deny si Diego sa naging cryptic post noon ni Lex

- Sa ngayon, co-parents sila sa kanilang anak na si Hailey kaya't nakakasama pa rin ni Diego ang kanyang anak

- Ayon pa kay Diego, hindi lamang sila ang mayroong ganitong klaseng set-up gayung ang iba ay masasabi nilang mas weird pa umano sa kanilang relasyon

Sa panayam ni Ogie Diaz kay Diego Loyzaga, naidetalye ng aktor kung paano sila nagkapatawaran ng ina ng kanyang anak na si Alexis Suapengco.

Diego sa naging cryptic post ng ina ng kanyang anak: "I will always be understanding of Lex"
Diego Loyzaga (Ogie Diaz YouTube)
Source: Youtube

Ito ay may kaugnayan sa naging cryptic post noon ni Alexis patungkol 'di umano sa paglisan nila sa poder ni Diego.

Matatandaang hindi nag-deny si Diego patungkol sa bagay na ito na ang siniguro ay ang kapakanan ng anak na patuloy niyang susustentohan.

Read also

Bobby Ray Parks, tinuruan si Lucas kung paano pahalagahan ang mommy at kapatid niya

"We spoke in private. She said sorry to me in private," ani Diego.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"May mali naman talaga ako 'dun. Meron siyang sinet na rule, I broke that."
"Not only once, siguro twice or 3 times. Can you blame the woman for having emotions? And reaching out of her emotions? No. Nagkamali ako e."
"The lesson I learned is keep your promises. I should have kept my promise. I will always be understanding of Lex, our situationship... She's the mother of our child."

Nabanggit din ni Diego ang tungkol sa set-up nila ni Alexis na co-parenting sa anak nilang si Hailey.

"There's so many relationships out there. A lot weirder na... 'yung set up nila sa akin"
"Everybody is different. Now for you to judge my situation. Okay. I mean if that's how you look at it, okay"

Read also

Ogie Diaz, di naniniwala sa chismis na hiwalay na si Sam Milby at Catriona Gray

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Si Carlos Diego Loyzaga o mas kilala bilang Diego Loyzaga ay isang aktor, modelo at video jockey. Anak siya ni Tereza Loyzaga at Cesar Montano. Matatandaang pansamantalang tumigil sa pag-aartista si Diego matapos dumaan umano sa depresyon. Ito ay nangyari sa kalagitnaan ng seryeng "Los Bastardos" kung saan isa siya sa bida.

At noong Agosto ng nakaraang taong 2023, gumulantang sa publiko ang post ni Diego hawak ang kanyang anak na ipinakilala niya sa mundo. Bagama't 'di pa nito pinapangalanan ang ina nito, masasabing magkatuwang sila nito sa kanilang anak na limang buwang gulang na.

Subalit hindi nagtagal, gumulantang din sa publiko ang naging post ni Lex patungkol sa 'di umano'y pagpapalayas sa kanila noon ni Diego para lamang sa babae. Gayunpaman, sila'y nagkaayos para na rin sa anak nilang si Hailey.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel