Ogie Diaz, di naniniwala sa chismis na hiwalay na si Sam Milby at Catriona Gray

Ogie Diaz, di naniniwala sa chismis na hiwalay na si Sam Milby at Catriona Gray

- Hiwalay na 'di umano sina Sam Milby at Catriona Gray ayon sa source ni Ogie Diaz

- Matatandaang nagsimula ang espekulasyon ng publiko ukol dito nang marami ang nakapansing hindi suot ni Catriona ang engagement ring nila ni Sam

- Sinasabing may isa umanong hindi pa handang magpakasal habang may nagsasabing mayroon ding na-fall out love na sa kanilang relasyon

- Gayunpaman, hindi lubos naniniwala dito si Ogie at hiling niya na sana'y hindi totoo ang ang chismis na ito

Isang umano’y hiwalayan ng showbiz couple ang nahagip ni Ogie Diaz na kanyang naibahagi sa kanyang Showbiz Update YouTube channel.

Sam Milby at Catriona Gray, hiwalay na ayon sa source ni Ogie Diaz
Sam Milby at Catriona Gray (@catriona_gray)
Source: Instagram

Ayon umano sa kanyang source, hiwalay na rin sina Sam Milby at Miss Universe 2018 na si Catriona Gray.

"Ano ba talaga ang real score, Sam Milby at Catriona Gray? Sa akin, may nagsabi na 'oy wala na sila Ogie'"

Read also

Paulo at Kim ayon sa source ni Ogie D: "Sobrang malapit nila sa isa't isa"

Dagdag pa ng source, nang magdiwang ng kanyang kaarawan si Catriona noong Enero 6, tapos na ang relasyon nila ni Sam.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Sabi niya, 'nung birthday ni Catriona Gray, wala na sila. Pero sila'y magkaibigan na lamang daw"

Gayunpaman, may ilang mga pagkakataong magkasama pa rin ang dalawa sa ilang events kaya't tila hindi rin halos maniwala si Ogie sa nabalitaang ito.

"Sabi ko, saka lang ako maniniwala kung sila mismong dalawa e nag-announce na wala na sila. At hindi na tuloy ang kanilang kasal"

"Sabi sa akin ng aking source, e o edi sige. Hintayin na lang natin. Sana nga mali ako," giit pa ng source ni Ogie.

"Parang ang rason daw ay na-realize daw ni Sam na hindi pa raw pala siya handa sa pagpapakasal," dagdag pa nito.

Read also

Dennis Padilla, Idinetalye ang birthday greeting sa kanya ni Julia: "Tumulo 'yung luha ko"

Matatandaang nagsimula ang mga espekulasyon ukol sa hiwalayan nina Sam at Catriona nang marami ang nakapansin umano na hindi suot ng Miss Universe 2018 ang engagement ring nila ni Sam.

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Ogie, Mama Loi at Dyosa Pockoh mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Si Catriona Gray ay isang Filipino-Australian actress at model na ipinanganak noong January 6, 1994. Nakasali na siya sa Miss World 2016 bago pa man nasungkit ang korona sa Miss Universe noong 2018.

Nobyembre ng nakaraang taong 2023 nang magbahagi si Sam ang ilang detalye ukol sa kasal nila ni Catriona. Aniya, intimatë wedding daw ito at kitang-kita ang excitement sa kanya habang sinasabing nais nilang ma-enjoy muna talaga ang buhay may asawa bago pasukin naman ang buhay ng pagiging isang magulang.

Sa kabila ng mga kuro-kuro na tila hiwalay na sina Catriona at Sam, ilang larawan pa rin ang lumabas sa social media ang lumabas, patunay na sila pa rin ay nagkakasama. Isa na rito ang sweet photo nila nito lamang Pebrero 9 kung saan marami ang kinilig sa 'back hug' ng aktor sa kanyang fiancée.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel