Paulo at Kim ayon sa source ni Ogie D: "Sobrang malapit nila sa isa't isa"

Paulo at Kim ayon sa source ni Ogie D: "Sobrang malapit nila sa isa't isa"

- Napapansin na umano ng mga kasama nina Paulo Avelino at Kim Chiu ang kakaibang closeness na dalawa

- Ito umano ay sa set ng bago nilang serye, ang 'What's wrong with Secretary Kim'

- Ayon pa sa source ni Ogie Diaz, sobrang malapit na ng dalawa sa isa't-isa

- Matatandaang sa Ogie Diaz Showbiz Update din naibalita umano na tila hiwalay na muli sina Paulo at Janine Gutierrez

Isa sa natalakay nina Ogie Diaz, Mama Loi at Dyosa Pockoh sa kanilang Showbiz Update channel ay ang tungkol kina Paulo Avelino at Kim Chiu.

Paulo at Kim ayon sa source ni Ogie D: "Sobrang malapit nila sa isa't isa"
Paulo Avelino and Kim Chiu (@viuphilippines/ @chinitaprincess)
Source: Facebook

May nakapagsabi umano kay Ogie ng tungkol sa mga gawi nina Kim at Paulo sa set ng kanilang bagong serye ang 'What's wrong with secretary Kim.'

"Napapansin na raw sa set ng What's wrong with secretary Kim ang sobrang malapit nila sa isa't isa. Baka ito na yung hudyat."

Read also

Ogie D kina Kathryn at Jericho: "Mukhang naba-viral sila madalas"

Masasabing dream come true ito para kay Paulo lalo na at mula nang maging isa itong Kapamilya, hayagan niyang sinasabi na isa Kim sa mga nais niyang makatrabaho.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Lalo na itong si Lalake, crush niya si Kim Chiu at pangarap niyang makatrabaho... Oo, consistent yan si Paulo Avelino"

Matatandaang una silang nagkasama sa seryeng 'Linlang' kinakitaan umano ng chemistry ang dalawa.

Samantala, narito ang kabuuan ng chikahan nina Ogie, Mama Loi at Dyosa Pockoh:

Si Michael Paulo Lingbanan Avelino o mas kilala bilang si Paulo Avelino ay isang aktor, modelo at film producer sa bansa. Bumida na siya sa ilang pelikula at television series mula sa Kapuso at maging sa Kapamilya network. Sa kasalukuyan, usap-usapan si Paulo sa husay ng pagganap nito sa Linlang. Umani sila ng papuri sa publiko sa husay ng kanilang pagganap sa nasabing serye.

Read also

Ogie Diaz, di naniniwala sa chismis na hiwalay na si Sam Milby at Catriona Gray

Gumagawa na rin ng ingay ang bagong teleserye ni Paulo na muling pagbibidahan nila ni Kim Chiu. Ito ang Pinoy adaptation ng What's Wrong With Secretary Kim.

Dahil dito, hindi maiwasang maiugnay ang pangalan ni Kim kay Paulo ngayong madalas ang proyekto nilang magkasama at sumabay pa ang pagiging single umano ng dalawa sakaling totoo man ang bali-balitang naghiwalay na muli sina Paulo at Janine.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel