Ogie D kina Kathryn at Jericho: "Mukhang naba-viral sila madalas"

Ogie D kina Kathryn at Jericho: "Mukhang naba-viral sila madalas"

- Napag-usapan nina Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update channel sina Kathryn Bernardo at Jericho Rosales

- Tila gumagawa ng ingay online ang dalawa na nakikitang magkasama kamakailan

- Kahit may iba silang kasama sa mga pagkakataong iyon, 'di rin nakawala sa netizens ang pagkomento ni Jericho sa mga posts ni Kathryn

- May nabasa umano ni Ogie na tila magkakaroon ng pelikula ang dalawa

Muling napag-usapan nina Ogie Diaz, Mama Loi at Dyosa Pockoh sa kanilang Showbiz Update channel ang tungkol kina Kathryn Bernardo at Jericho Rosales.

Ogie D kina Kathryn at Jericho: "Mukhang naba-viral sila madalas"
Kathryn Bernardo (@bernardokath)
Source: Instagram

Tila nadadalas umanong gumawa ng ingay ang dalawa sa social media na animo'y napupusuan ng netizens para sa isa't isa.

Unang napag-usapan sina Kat at Echo nang makita silang magkasama na nagja-jogging. Bagama't may iba silang kasama tulad sa ibang pagkakataong nakita sila sa iisang larawan, may ibang kilig umano ang dulot nito sa ilang netizens.

Read also

Paulo at Kim ayon sa source ni Ogie D: "Sobrang malapit nila sa isa't isa"

Ani Ogie Diaz, sakaling totoo ang kanyang nababalitaang gagawa ng pelikula ang dalawa, magandang simula ito lalo na at nadadalas silang mapag-usapan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Parang may nabasa ako, kung totoo man. Gagawa sila ng movie? Totoo ba? Kasi kung gagawa sila ng movie, magandang basehan ito. Kung malakas ba sila sa tao? Kung may clamor ang partnership ng dalawa sa isang pelikula... E, mukhang naba-viral sila madalas. So malay naman natin 'di ba?"

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan tungkol kina Kath at Echo mula sa Ogie Diaz Showbiz Update channel:

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

Read also

Ogie Diaz, di naniniwala sa chismis na hiwalay na si Sam Milby at Catriona Gray

At noong Nobyembre 30 sa natapos na taong 2023, halos sabay na kinumpirma nina Kathryn at Daniel ang kanilang paghihiwalay na matagal nang naging bali-balita bago pa man ipalabas ang pelikula ni Kathryn na A Very Good Girl. Sa pamamagitan ng kani-kanilang post, naglahad ng saloobin ang dalawa upang ipaunawa lalo na sa kanilang mga fans ang parehong desiyon na mayroon pa rin umanong respeto at pagmamahal.

Samantala, si Jericho Rosales naman ay nabalitang hiwalay na 'di umano sa kanyang asawang si Kim Jones. Matapos ito, lumabas ang jogging photos nina Kath at Echo na nahaluan ng ilang espekulasyon ng netizens. Gayunpaman, agad na napaliwanag ni Kath ang tungkol dito kung saan sinabi niyang ang pamangkin ni Echo na malapit niyang kaibigan ang talagang kasama niya sa pagkakataong iyon at naaya lamang nila ang aktor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel