Paye Galang: "Namamaga pa to ha, pero sobrang ganda ko na"

Paye Galang: "Namamaga pa to ha, pero sobrang ganda ko na"

- Aminado si Paye Galang na excited siyang makita ang resulta ng kanyang pagpaparetoke ng kanyang ilong

- Sa pinakahuling episode ng reality show ng ToRo family, makikita ang naging pag-aalaga ng kasama niya sa kanya habang nagpapagaling pa siya

- Hindi pa siya masyadong makapagsalita sa unang bahagi ng video pero kinalaunan ay nakapagsalita siya at muli ay pataray niyang inilabas ang kanyang saloobin

- Aniya, kahit maga pa ang kanyang ilong ay sobrang ganda na niya kaya't antayin na lang daw na maka-recover na siya

Binahagi sa bagong episode ng ToRo fam reality show ang unti-unting pagpapagaling ni Paye Galang matapos niyang sumailalim sa rhinoplasty. Pinakita din ang naging pag-aalaga ng kasama niya sa kanya habang nagpapagaling pa siya.

Paye Galang: "Namamaga pa to ha, pero sobrang ganda ko na"
Paye Galang: "Namamaga pa to ha, pero sobrang ganda ko na"
Source: Youtube

Matapos ang kanyang operasyon ay tulong-tulong sina Toni Fowler, ang kanyang karelasyon at si Mikay sa pag-aalaga sa kanya. Sa unang bahagi ng video ay hindi pa siya makapagsalita.

Read also

Toni Fowler, humingi ng pang-unawa para sa ate niya: "Sya halos nagpalaki ng mga bata"

Kinalaunan ay unti-unti na rin siyang nakarecover at maging ang ate niyang nakatampuhan ay binisita rin siya. Inamin niyang excited siyang makita ang resulta ng kanyang pagpaparetoke ng kanyang ilong.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Paye Galang ay isa sa mga kasama nina Toni Fowler sa ToRo Family. Bukod sa kilala bilang kapatid ni Papi Galang, Nagtatrabaho din si Paye sa Fab, ang skin care company na pagmama-ari nina Toni.

Matatandaang nag-post si Papi kaugnay sa kapatid na si Paye na kamakailan ay nagpaayos ng kanyang ilong. Sa kabila ng tampuhan nila ay hindi natiis ni Papi ang kapatid kaya nanatili siya hanggang mawalan ng malay si Paye bago ang kanyang operasyon. Bago tuluyang makatulog ay sinabi ni Paye na mas famous daw siya sa ate niya. Matatandaang ito din ang sinabi ni Paye sa ate niya nang mag-away sila dahil aniya ay naiinggit ang ate niya sa kanya.

Nag-post si MG ng petisyon kaugnay sa kagustuhan niyang maalis si Paye sa ToRo family house. Ito ang kanyang post matapos niyang mag-react sa pinakahuling episode ng reality show ng ToRo family. Si Paye ay kadalasang umaani ng mga komento sa netizens dahil sa kanyang pagiging matapang pagdating sa pagpapahayag ng opinyon. Nakapanayam na rin siya ni MG at hindi ito natinag sa mga tanong sa kanya.

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel