Papi sa kapatid na si Paye: "Hanggang sa pagpikit ng mata nya mas famous daw talaga sya"

Papi sa kapatid na si Paye: "Hanggang sa pagpikit ng mata nya mas famous daw talaga sya"

- Nag-post si Papi Galang kaugnay sa kapatid na si Paye Galang na kamakailan ay nagpaayos ng kanyang ilong

- Sa kabila ng tampuhan nila ay hindi natiis ni Papi ang kapatid kaya nanatili siya hanggang mawalan ng malay si Paye bago ang kanyang operasyon

- Bago tuluyang makatulog ay sinabi ni Paye na mas famous daw siya sa ate niya

- Matatandaang ito din ang sinabi ni Paye sa ate niya nang mag-away sila dahil aniya ay naiinggit ang ate niya sa kanya

Binahagi ni Papi Galang ang sinabi ni Paye Galang bago siya nawalan ng malay bago siya operahan sa ilong. Bago tuluyang makatulog ay sinabi ni Paye na mas famous daw siya sa ate niya.

Papi sa kapatid na si Paye: Hanggang sa pagpikit ng mata nya mas famous daw talaga sya"
Papi sa kapatid na si Paye: Hanggang sa pagpikit ng mata nya mas famous daw talaga sya"
Source: Facebook

Sa pinakahuling episode ng reality show ng ToRo family, sumailalim si Paye sa rhinoplasty. Naiyak siya nang bumalik si Papi para samahan siya sa kabila ng kanilang tampuhan.

Read also

Ivana Alawi, tumigil sa pag-aaral noon dahil sa pangbu-bully sa kanya

Hanggang sa pagpikit ng mata nya mas famous daw talaga sya Paye Galang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Charisse Galang o mas kilala bilang si Papi ay isang content creator sa Pilipinas. Nakilala siya dahil kay Toni Fowler na isa ring social media influencer sa Pilipinas. Mas lalong naging matunog ang pangalan ni Papi online dahil sa kanyang anak na si Baby Hapi na labis ang pagbibigay saya sa mga manonood ng vlogs ng ToRo family.

Matatandaang nagkasagutan sina Papi Galang at Mari Fowler sa naunang episode ng reality show ng ToRo fam na binahagi ni Toni Fowler. Sinubukan kasi ni Papi na dalawin ang kanyang dalawang anak na nasa pangangalaga ni Mari. Gayunpaman, pinagbawalan siya na puntahan ang mga anak niya dahil ani Mari ay iniisip niya ang kaligtasan ni Papi lalo at nasa maselang bahagi pa ito ng kanyang pagbubuntis. Sinubukan namang paliwanagan ni Toni si Papi na iniisip lang ng kanyang ate ang kaligtasan nila.

Nagkasagutan din Toni Fowler at Papi Galang sa kanilang episode ng reality show ng ToRo family. Matapos pagsabihan ni Toni si Papi na huwag magbuhat ng mga gamit, nagkasagutan sila dahil ayon kay Papi ay pinapakialaman lahat ng desisyon niya. Maging ang kapatid ni Toni na si Mari Fowler ay sinagot din ni Papi matapos siyang sawayin nito sa mga sinabi nitong masakit kay Toni. Tuluyan nang humiwalay ng bahay sina Papi at kanyang mag-aama.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel