Xander Arizala, naiyak matapos makatanggap ng mga gifts sa TikTok

Xander Arizala, naiyak matapos makatanggap ng mga gifts sa TikTok

- Ibinahagi ni Xander Arizala ang screenshots ng kanyang reaksiyon matapos makatanggap ng mga gifts sa ilang TikTok users

- Sa kanyang Facebook post ay nagpasalamat siya sa mga nagbigay sa kanya ng gifts sa pamamagitan ng mga tokens na may katumbas na coins

- Makikita sa kanyang mga pictures na naging emosyonal siya sa natanggap na gifts

- Umani ng samu't-saring reaksiyon ang post na ito ni Xander lalo at kakatapos lang niya magka isyu tungkol sa gift na binigay ni Christian Merck Grey sa kanyang anak

Naiyak si Xander Arizala nang makatanggap ng gifts sa TikTok. Nagpasalamat siya sa lahat ng nagbigay sa kanya nang mag-live siya.

Xander Arizala, naiyak matapos makatanggap ng mga gifts sa TikTok
Xander Arizala, naiyak matapos makatanggap ng mga gifts sa TikTok
Source: Facebook

Ang mga nattanggap na gifts ay may katumbas na coins at may mga natanggap siyang umabot sa libo-libo ang halaga.

Umani ng samu't-saring reaksiyon ang post na ito ni Xander lalo at kakatapos lang niya magka isyu tungkol sa gift na binigay ni Christian Merck Grey sa kanyang anak.

Read also

Jericho Rosales sa mga pictures ni Kim Jones: "‘Love these!’"

Narito ang ilang komento:

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Congratulations go lang Ng go sir alam ko lahat mg ginagawa Ng magulang ky para sa kanilang mga anak
Okey Ng Umiyak Xander Kesa magalit, Alam namin kasi Pag Galit Ka Umaabot Ng 100k.
Nice one, Keep it up!

Xander Ford ay ang dating pangalang ginamit ni Marlou Arizala, isang Filipino internet personality at dating miyembro ng grupong Hasht5. Noong 2017, nag-viral si Marlou Arizala matapos siyang sumailalim sa ilang cosmetic surgery procedures upang baguhin ang kanyang itsura. Matapos ang mga operasyon, nagdesisyon siyang gamitin ang pangalang "Xander Ford."

Kamakailan ay naglabas ng saloobin si Xander sa kanyang Instagram stories. Kaugnay ito sa aniya'y mga taong kanyang inimbitahan sa binyag ng kanyang anak. Hindi daw sila sumipot sa binyag at ikinadismaya ni Xander at kahit presensiya lang daw sana ng mga taong ito para sa kanyang anak ay ayos na sa kanya. Hindi naman na binanggit ni Xander kung sino ang kanyang tinutukoy na mga tao.

Read also

Antonette Gail, sinagot ang mga negative comments sa kanya

Matatandaang pinangalanan ni Xander si Merck bilang yung taong kanyang tinutukoy sa kanyang post. Aniya, pinangakuan umano siya nito kaya pinapabayaran niya ang P349K na umano ay pinangako nito sa kanya. Dagdag pa niya, kung alam nila ay hindi na muna sana daw sila nagpabinyag. Humingi din siya ng tulong sa kanyang mga kaibigan na aniya ay makuha ang pinaglalaban niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel