Vice Ganda, nag-sorry sa joke kay Anne Curtis: "I put Anne in an uncomfortable situation"

Vice Ganda, nag-sorry sa joke kay Anne Curtis: "I put Anne in an uncomfortable situation"

- Aminado si Vice Ganda na hindi tama ang kanyang naging biro kay Anne Curtis sa episode ng It's Showtime kamakailan

- Sa kanyang post sa X, humingi ng dispensa si Vice dahil aniya ay nilagay niya sa hindi komportableng sitwasyon ang kaibigan

- Kaugnay ito sa kanyang biro kay Anne na naging dahilan para sabihin ni Anne ang tag line ng fast food chain na ini-endorso ni Vice na kakompetensiya ng ini-endorso naman din ni Anne

- Nauna na ring nilinaw ni Anne na hindi naman na kailangang batikusin si Vice dahil aniya parehas silang hindi nakapag-isip nang maayos sa kanilang naging biruan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-sorry si Vice Ganda kaugnay sa naging biro niya kay Anne Curtis kamakailan. Sa kanyang post sa X, humingi ng dispensa si Vice dahil aniya ay nilagay niya sa hindi komportableng sitwasyon ang kaibigan.

Read also

Marlou Arizala kay Christian Merck Grey: "100K kaliwaan payag ako"

Vice Ganda, nag-sorry sa joke kay Anne Curtis: "I put Anne in an uncomfortable situation"
Vice Ganda, nag-sorry sa joke kay Anne Curtis: "I put Anne in an uncomfortable situation"
Source: Youtube
I put Anne in an uncomfortable situation. Wrong. Sorry.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang tinutukoy nito ay ang kanilang biruan kung saan pinasabi niya kay Anne ang Nice Ganda na siyang tag line ng kanyang endorsement na kakumpitensiya ng iniendorsong fast food chain ni Anne.

Aminado din si Vice na may mga panahong hindi niya napag-iisipang maigi ang kanyang joke dahil sa kagustuhan niyang makapagpatawa.

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Read also

Andrew Schimmer, inanunsyo ang petsa ng kanyang kasal: "Why wait? Let's do it na"

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate