Andrew Schimmer, inanunsyo ang petsa ng kanyang kasal: "Why wait? Let's do it na"

Andrew Schimmer, inanunsyo ang petsa ng kanyang kasal: "Why wait? Let's do it na"

- Kinumpirma ni Andrew Schimmer ang kanyang pagpapakasal sa kanyang bagong partner

- Aniya, hindi na nila ito patatagalin pa gayung labis siyang napapasaya nito gayundin ang kanyang pamilya

- Maging ang kani-kanilang mga anak ay labis na natutuwa at nagkasundo agad sa bago nilang pamilya

- Matatandaang isang taon na ang nakalipas nang pumanaw ang partner ni Andrew na si Jho Rovero matapos ang halos isang taong pagkakaratay sa karamdaman

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masayang inanunsyo ni Andrew Schimmer ang kanyang pagpapakasal sa girlfriend na si Dimps.

Andrew Schimmer, inanunsyo ang petsa ng kanyang kasal: "Why wait? Let's do it na"
Andrew Schimmer (John Andrew Schimmer)
Source: Facebook

Matatandaang bago matapos ang taon ay inihayag ni Andrew sa publiko ang bagong nagpapatibok ng kanyang puso.

Sa panayam sa kanya ni Julius Babao, nagbigay ng ilang detalye si Andrew patungkol sa love story nila ni Dimps.

"Hindi ko naman siya hinahanap. Hindi namin pinuwersa 'yung mga bagay-bagay, Naawa si God sa akin. Sabi niya siguro, Diyos ko anak sige eto na nga."

Read also

Bagong pag-ibig ni Andrew Schimmer, ka-birthday ng yumaong partner

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Hindi namin kilala ang isa't isa , hindi siya pamilyar sa'kin at all. Actually hindi niya alam na artista ako."

Kwento pa ni Andrew, inakala niyang malaki ang pagkakaparehas nina Dimps at ng kanyang yumaong partner na si Jho. Subalit habang tumatagal, nakikita niyang sila ni Dimps ang maraming bagay na pinagkakatulad at napapagkasunduan.

Dahil dito, nausisa ni Julius Babao kung kailan ang kasal ng dalawa.

"February 14... Why wait? Let's do it na," kinikilig na naging pahayag ni Andrew.

Narito ang kabuuan ng interview mula sa Julius Babao Unplugged YouTube:

Si Andrew Schimmer ay isang aktor at modelo sa bansa na muling napag-usapan sa social media nang buong tapang itong humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na kalauna'y sinundan ng brain hypoxia noong Nobyembre 2021. Inabot ng isang taon ang pakikipaglaban ni Jho sa karamdaman niyang ito subalit namaalam na rin bago matapos ang taong 2022.

Read also

Cherry White at Asian Pakboi, muling nagkaharap at nagkausap

Ilan minuto bago kumpirmahin ni Andrew ang pagpanaw ng misis noong Disyembre 20, 2022, ibinahagi muna niya ang larawan ng kanilang mga kamay na mayroong couple rings. Marami ang natuwa sa post na ito sa pag-aakalang ikinasal na ang dalawa.

Sinasabing balak na umanong pakasalan ni Andrew si Jho anumang oras subalit hindi na niya ito naisakatuparan pa. Samantala, bago mag-Valentine's Day, ibahagi ni Andrew ang pagpapa-tattoo niya ng mukha ni Jho sa kanyang braso. Ito umano ang paraan ng pag-aalala niya sa misis habang buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel