Marlou Arizala kay Christian Merck Grey: "100K kaliwaan payag ako"

Marlou Arizala kay Christian Merck Grey: "100K kaliwaan payag ako"

- Ayon kay Xander Arizala, nakapagbenta na siya ng cellphone pero iPhone 14 pro max daw ang kanyang binenta

- Hindi daw niya binenta ang iPhone 15 na binigay ni Merck sa inaanak niya dahil ayaw niyang magka problema kay Merck

- Gayunpaman, hinamon niya si Merck na ibebenta daw niya uli ang cellphone sa kanya kung P100K nito bibilhin ang iPhone 15

- Kung hindi daw nito kayang bayaran ng P100K ang cellphone ay hindi niya ibibigay ang cellphone at friendhip over na daw sila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muling sinagot ni Xander Arizala si Christian Merck Grey kaugnay sa pahayag nito na bibilhin niya na lang ang iPhone 15 na regalo sana niya sa inaanak. Hinamon niya si Merck na ibebenta daw niya uli ang cellphone sa kanya kung P100K nito ang cellphone.

Read also

Christian Merck Grey, bibilhin na lang ang binigay na cellphone kay Xander Arizala

Marlou Arizala kay Christian Merck Grey: "100K kaliwaan payag ako"
Marlou Arizala kay Christian Merck Grey: "100K kaliwaan payag ako"
Source: Facebook

Sa kanyang binahaging video, sinabi ni Xander na nakapagbenta na daw siya ng cellphone pero hindi yung binigay ni Merck dahil aniya ay ayaw niyang magkaproblema.

Muli ay nagpatutsada siya kay Merck dahil sa mga naging pahayag nito. Kung hindi daw nito kayang bayaran ng P100K ang cellphone ay hindi niya ibibigay ang cellphone at friendhip over na daw sila.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakilala din si Marlou Arizala bilang si Xander Ford sa social media. Pinalitan ang kanyang pangalan matapos ang kanyang kontrobersiyal na make over. Gayunpaman, matapos ang mga kontrobersiyang kanyang kinasangkutan ay tuluyan na siyang binitawan ng management na tumulong sa kanyang make-over.

Kamakailan ay naglabas ng saloobin si Xander sa kanyang Instagram stories. Kaugnay ito sa aniya'y mga taong kanyang inimbitahan sa binyag ng kanyang anak. Hindi daw sila sumipot sa binyag at ikinadismaya ni Xander at kahit presensiya lang daw sana ng mga taong ito para sa kanyang anak ay ayos na sa kanya. Hindi naman na binanggit ni Xander kung sino ang kanyang tinutukoy na mga tao.

Matatandaang pinangalanan ni Xander si Merck bilang yung taong kanyang tinutukoy sa kanyang post. Aniya, pinangakuan umano siya nito kaya pinapabayaran niya ang P349K na umano ay pinangako nito sa kanya. Dagdag pa niya, kung alam nila ay hindi na muna sana daw sila nagpabinyag. Humingi din siya ng tulong sa kanyang mga kaibigan na aniya ay makuha ang pinaglalaban niya

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel