Christian Merck Grey, bibilhin na lang ang binigay na cellphone kay Xander Arizala

Christian Merck Grey, bibilhin na lang ang binigay na cellphone kay Xander Arizala

- Nilinaw ni Christian Merck Grey na hindi panunumbat ang kanyang sinabi kay Marlou Arizala kundi gusto lang daw niya itong turuang rumespeto

- Napagpasyahan ni Merck na bibilhin na lang daw niya ang cellphone na binigay niya para sa inaanak niya na anak ni Xander

- Bibilhin daw niya ng P54,000 ang iPhone 15 kahit P50,000 daw niya itong binibenta

- Ipamimigay na lang daw ni Merck sa kanyang followers ang cellphone na ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napagpasyahan ni Christian Merck Grey na siya na lang daw mismo ang bibili ng cellphone na regalo daw sana niya sa inaanak niya na anak ni Xander Arizala. Bibilhin daw niya ng P54,000 ang iPhone 15 kahit P50,000 daw niya itong binibenta ni Xander.

Christian Merck Grey, bibilhin na lang ang binigay na cellphone kay Xander Arizala
Christian Merck Grey, bibilhin na lang ang binigay na cellphone kay Xander Arizala
Source: UGC

Nilinaw ni Merck na hindi panunumbat iyon kundi respeto. Ang tinutukoy nito ay ang pagbenta ni Marlou ng cellphone na binigay sana niya sa inaanak.

Read also

Marlou Arizala: "Sabi na iiyak to si Merck, nanumbat pa"

Para matapos na lang daw ang isyu ay siya ang bibili at ipamimigay na lang daw ni Merck sa kanyang followers ang cellphone na ito kasabay ng dalawa pa niyang nabiling cellphone.

Narito ang ilan sa komento ng viewers ni Merck:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Di lahat nabibigyan ng regalo. kaya dapat marunong tayong mag pasalamat at mag pahalaga sa kung anong meron tayo
A truly matured human being. Salute to you for being so humble.
Dapat pinapahalagahan yong binibigay sa anak niya kc galing sa mga ninong niya,,sana all may iphone

Nakilala din si Marlou Arizala bilang si Xander Ford sa social media. Pinalitan ang kanyang pangalan matapos ang kanyang kontrobersiyal na make over. Gayunpaman, matapos ang mga kontrobersiyang kanyang kinasangkutan ay tuluyan na siyang binitawan ng management na tumulong sa kanyang make-over.

Read also

Boy Tapang, umalma sa mga sinabi ni MG laban sa kanila ni Cherry White

Kamakailan ay naglabas ng saloobin si Xander sa kanyang Instagram stories. Kaugnay ito sa aniya'y mga taong kanyang inimbitahan sa binyag ng kanyang anak. Hindi daw sila sumipot sa binyag at ikinadismaya ni Xander at kahit presensiya lang daw sana ng mga taong ito para sa kanyang anak ay ayos na sa kanya. Hindi naman na binanggit ni Xander kung sino ang kanyang tinutukoy na mga tao.

Matatandaang pinangalanan ni Xander si Merck bilang yung taong kanyang tinutukoy sa kanyang post. Aniya, pinangakuan umano siya nito kaya pinapabayaran niya ang P349K na umano ay pinangako nito sa kanya. Dagdag pa niya, kung alam nila ay hindi na muna sana daw sila nagpabinyag. Humingi din siya ng tulong sa kanyang mga kaibigan na aniya ay makuha ang pinaglalaban niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel