Marlou Arizala: "Sabi na iiyak to si Merck, nanumbat pa"

Marlou Arizala: "Sabi na iiyak to si Merck, nanumbat pa"

- Sinagot ni Xander Arizala ang naging pahayag ni Christian Merck Grey kaugnay sa pagbebenta niya ng cellphone na bigay ni Merck sa inaana niya

- Ani Marlou, pag nagbigay daw ng isang bagay sa isang tao ay wala na daw dapat pakialam si Merck

- Sa kanyang live video ay pinanood niya ang video ni Merck at sinagot dahil aniya ay nanunumbat pa daw ito

- Aniya, kung magsusumbat lang naman daw ay hindi na dapat magbigay si Merck

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinagot ni Xander Arizala ang naging pahayag ni Christian Merck Grey matapos niyang i-post ang pagbenta niya sa iPhone 15 na bigay ni Merck. Aniya, kung magsusumbat lang naman daw ay hindi na dapat magbigay si Merck.

Marlou Arizala: "Sabi na eh iiyak to si Merck, nanumbat pa"
Marlou Arizala: "Sabi na eh iiyak to si Merck, nanumbat pa"
Source: Youtube

Binibenta daw niya ang cellphone dahil may pagagamitan daw sila. Dapat daw ay wala na dapat itong pakialam dahil binigay na niya ang cellphone.

Read also

Boy Tapang, umalma sa mga sinabi ni MG laban sa kanila ni Cherry White

Once na nagbibigay ka, huwag mo na isumbat pa. Kahit anong gawin namin sa pera na to, sa amin na yun. Kami na yung gagawa nun kasi labas ka na dun eh. Naibigay mo na.
Kaya alam ko na yan eh. Sabi ko na nga ba iiyak yan si Merck eh. Anong masama eh binenta ko lang naman ah. Yung pera niyan parang sa kanya pa rin galing yun.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nakilala din si Marlou Arizala bilang si Xander Ford sa social media. Pinalitan ang kanyang pangalan matapos ang kanyang kontrobersiyal na make over. Gayunpaman, matapos ang mga kontrobersiyang kanyang kinasangkutan ay tuluyan na siyang binitawan ng management na tumulong sa kanyang make-over.

Kamakailan ay naglabas ng saloobin si Xander sa kanyang Instagram stories. Kaugnay ito sa aniya'y mga taong kanyang inimbitahan sa binyag ng kanyang anak. Hindi daw sila sumipot sa binyag at ikinadismaya ni Xander at kahit presensiya lang daw sana ng mga taong ito para sa kanyang anak ay ayos na sa kanya. Hindi naman na binanggit ni Xander kung sino ang kanyang tinutukoy na mga tao.

Read also

Andrew Schimmer, inanunsyo ang petsa ng kanyang kasal: "Why wait? Let's do it na"

Matatandaang pinangalanan ni Xander si Merck bilang yung taong kanyang tinutukoy sa kanyang post. Aniya, pinangakuan umano siya nito kaya pinapabayaran niya ang P349K na umano ay pinangako nito sa kanya. Dagdag pa niya, kung alam nila ay hindi na muna sana daw sila nagpabinyag. Humingi din siya ng tulong sa kanyang mga kaibigan na aniya ay makuha ang pinaglalaban niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel