Herlene Budol, inihayag ang excitement sa music video ng kanyang single na "Kain Tayo"

Herlene Budol, inihayag ang excitement sa music video ng kanyang single na "Kain Tayo"

- Inihayag ni Herlene Budol na excited na siya para sa music video ng kanyang single na Kain Tayo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Sa post ni Herlene ay sinabi niyang nakaka LSS at tiyak raw na tatangkilikin ang single ng mga tao mula sa mga bata at pangkalahatan

- Matatandaang naging usap-usapan ng screenshot ng diumano'y convo ni Herlene at Rob Gomez kamakailan

- Paglilinaw ni Herlene, batuhan ng mga script para pang kabisado sa mga linyahan nila ang nasa chat nila

Tila tuloy na tuloy na ang paglabas ng bagong single ni Herlene Budol na pinamagatang Kain Tayo. Sa post ni Herlene ay inihayag niya ang excitement para sa ilalabas na music video.

Herlene Budol, inihayag ang excitement sa music video ng kanyang single na "Kain Tayo"
Herlene Budol, inihayag ang excitement sa music video ng kanyang single na "Kain Tayo"
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Serena Dalrymple, nagbahagi ng update sa pagbubuntis: "10 weeks to go!"

Aniya,nakaka LSS at tyak raw na tatangkilikin ang single ng mga tao mula sa mga bata at pangkalahatan.

Lunch break na po! Oras na po ng lafang to the highest level sa buffet, Chi-cha tayo para busolve, Siempre indi mawawala ang (BUDOL) Boodle fight mga KaSquammy, KaHiponatics at KaBudol ko dyan. Tara mag mukbangan na! Eggzoited much para sa Music Video - "KAIN TAYO" Impernezz nakaka LSS at tyak na tatangkilikin mula bata at pangkalahatan! TYL for another blessings at sa mga upcoming project.

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.

Matatandaang binahagi ni Herlene ang kanyang pakikipagkaibigan sa mga kapwa niya sa kandidata sa Miss Planet International 2022. Pinatikim niya sa mga ito ang dala niyang kutkutin na buto ng kalabasa. Tinuruan niya ang mga ito kung paano ang tamang pagkain nito at mukhang nagustuhan naman nila ang lasa. Matatandaang pumunta si Herlene sa Uganda sa Africa para sana sumabak sa Miss Planet.

Read also

Dimples Romana sa epekto ng socmed detox ni Angel Locsin: "Yung face niya, maaliwalas"

Sa post ni Wilbert Tolentino, sinabi niyang hindi na kasali sa Miss Planet International 2022 si Herlene. Sa kanyang binahagi sa Facebook, sinabi ni Wilbert na ito ay dahil sa umano'y "uncertainties" sa panig ng mga organizers. Humingi siya ng dispensa sa mga supporters at lahat ng sponsors at designer at pinasalamatan niya din ang mga ito. Ito sana ang kauna-unahang international pageant ni Herlene.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel