Winwyn Marquez at Baby Luna, kinaaliwan sa kanilang video
- Ibinahagi ni Winwyn Marquez ang nakakaaliw na video nila ng anak niyang si Luna Teresita Rayn
- Sa naturang video ay makikitang magkasama sila na nagsasayaw
- Kinaaliwan ang anak nila kung paano ito ngumiti sa harap ng camera at sinasabayan ang dance moves ng kanyang mommy
- Umani ng mga komento ang video na ito ng mag-ina dahil sa kakyutan ni Luna
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Ibinida ni Winwyn Marquez ang cute na video nila ng anak niyang si Luna Teresita Rayn. Umani ng mga komento ang video na ito ng mag-ina dahil sa kakyutan ni Luna.
Makikita sa video ang pagsabay ni Luna sa dance moves ng kanyang mommy.
Narito ang ilang komento sa post na ito ni Winwyn:
Literally the cutest celebrity baby on the planet. Nakakatuwa tong batang to parang manika
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Aba marunong na mag choreo. Oh my Luna nakita na namn kita
cute cute talaga ng baby Luna na yan. Mukhang manika ang cute.
Si Teresita Ssen Lacsamana Marquez o mas kilala sa kanyang screen name na Winwyn Marquez ay isang actress, model, dancer at beauty queen na kinoronahan bilang Reina Hispanoamericana 2017 sa Santa Cruz, Bolivia noong November 4, 2017.
Sa kanyang Instagram post, unang pinakilala ni Winwyn ang kanyang baby girl na kanilang pinangalanang Luna Teresita Rayn. Ibinahagi niya rin ang ilang natanggap niyang regalo matapos niya manganak at pinasalamatan niya ang mga nagbigay nito sa pamamagitan ng kanyang IG stories. Bumuhos naman ang pagbati para kay Winwyn mula sa kanyang mga kasamahan sa showbiz. Matatandaang sa kanyang binahaging video ng gender reveal party ay naroroon ang kanyang amang si Joey Marquez at kanyang inang si Alma Moreno.
Matatandaang nag-post si Winwyn ng video kung saan makikitang nakatalikod siya sa camera kamakailan. Hindi niya napansin na nakasilip sa camera ang anak niyang si Luna kaya natatakpan siya habang sumasayaw. Hirit ni Winwyn, gusto lang daw niyang makisabay sa water challenge trend pero ayaw sumali ng anak niya. Marami naman ang natuwa at naaliw sa video na ito ng mag-ina na binahagi ni Winwyn sa Instagram.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh