Iza Calzado, binahaging naging mas selfless siya nang maging nanay

Iza Calzado, binahaging naging mas selfless siya nang maging nanay

- Nagbahagi si Iza Calzado ng kanyang saloobin at pagbabago sa kanyang buhay nang maging nanay siya

- Sa panayam sa kanya ng kaibigang si Toni Gonzaga, nabanggit niya na naging mas selfless siya nang maging nanay siya

- Masaya din daw siya na nakikita niya sa anak ang kanyang mga magulang na namayapa na

- Aniya, best part ng pagiging isang nanay ay ang makasama niya lang ang kanyang anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Si Iza Calzado ang nakapanayam ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube show na Toni Talks. Naibahagi ni Iza ang mga pagbabago sa kanya ngayong isa na siyang ina.

Iza Calzado, binahaging naging mas selfless siya nang maging nanay
Iza Calzado, binahaging naging mas selfless siya nang maging nanay
Source: Youtube

Ani Iza, maituturing niyang best part ng pagiging nanay ang makasama ang kanyang anak na si Deia. Alam daw niyang kailangan niyang maging nanay na naging daan para mas maging selfless siya.

Read also

Sharon Cuneta: "Nag-away kami, naghiwalay kami tapos nagbati na kami so okay na kami"

Bahagi pa ni Iza, hindi planado ang pagbubuntis niya pero binigay sa kanila matapos ang sampung taon nila ng kanyang asawa. Kaya naman aniya ay binigay talaga siya sa kanila ng Panginoon.

Bukod dito, masaya siyang nakikita niya sa anak ang kanyang mommy at daddy na parehas nang namayapa.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Panoorin ang kabuuan ng video dito:

Si Maria Izadora Ussher Calzado-Wintle o mas kilala ng publiko bilang si Iza Calzado ay isang aktres at modelo. Ang youth-oriented show na "Click" sa GMA ang unang TV program kung saan naging bahagi si Iza. Ikinasal siya sa businessman na si Ben Wintle noong December 2018.

Sa isang Instagram post ay nagbahagi ng mensahe si Iza para sa kanyang namayapang amang si Lito Calzado. Sa naturang post ay binahagi niya ang ilang throwback pictures ng ama kalakip ng kanyang mensahe para sa paggunita ng kaarawan ng kanyang ama na dapat ay 78 na taong gulang na. Bahagi ng kanyang mensahe ang linyang "Once a daddy's girl, forever a daddy's girl".

Read also

Jean Garcia, binuking ang tungkol sa mga manliligaw ng anak

Samatala, nitong Enero din ng kasalukuyang taon ay binahagi ni Iza ang mga nagagandahang pictures na kuha sa kanyang maternity shoot. Bukod sa kanyang picture ay mayroon din siyang binahagi na pictures kasama ang kanyang mister. Ang pamosong photographer na si BJ Pascual ang kanilang kinuha. Sa naturang post ay humiling siya ng dasal para sa kanyang nalalapit na panganganak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel