It's Showtime, naglabas ng statement kaugnay sa ‘MeChoose-MeChoose’ episode

It's Showtime, naglabas ng statement kaugnay sa ‘MeChoose-MeChoose’ episode

- Naglabas ng pahayag ang It's Showtime kaugnay sa kanilang ‘MeChoose-MeChoose’ episode ngayong araw

- Ito ay tungkol sa pagdedeklara ng winner sa naturang segment na kinalaunan ay napatunayang hindi pala tugma ang naging sagot sa naging ka-partner nitong si Ryan Bang

- Inakalang parehong "tinapay" ang sagot ni Ryan at Marifi, kaya nakapaglaro ito sa jackpot round at kinalunang nanalo ng ₱80,000

- Para resolbahin ang gusot, napagkasunduang hatiin na lang sa lahat ng mga manlalaro ang ₱80,000 na napanalunan ni Marifi

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naglabas ng statement and It's Showtime kaugnay sa pagkakamali sa ‘MeChoose-MeChoose’ episode ngayong araw. Dineklarang panalo ang studio player na si Marifi na kinalaunang napatunayan na hindi parehas ang naging sagot kay Ryan Bang.

It's Showtime, naglabas ng statement kaugnay sa ‘MeChoose-MeChoose’ episode
It's Showtime, naglabas ng statement kaugnay sa ‘MeChoose-MeChoose’ episode
Source: Youtube

Ang naging tanong kina Ryan at partner studio player nyang si Marifi ay magbigay ng mga pagkaing may 'pie' sa pangalan. Dapat magtugma ang sagot ng dalawa.

Read also

Cristy Fermin, naaawa kay Blythe: "Kung ano-ano ang bansag kay Andrea Brillantes"

Inakalang parehas na tinapay ang kanilang sagot. P80,000 ang napanalunan ni Marifi ngunit napagkasunduang hatiin na lang sa lahat ng mga manlalaro ang napanalunan ni Marifi upang maresolba ang isyu.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa una ay inakalang parehong "tinapay" ang sagot ni Ryan at Marifi, kaya nakapaglaro sa jackpot round ang huli at nanalo pa ng ₱80,000. Gayon pa man, napansin ng mga manonood at netizens na "pizza pie" talaga ang sinagot ni Marifi. Nag-trending ito sa X (Twitter).

Para resolbahin ang gusot, napagkasunduang hatiin na lang sa lahat ng mga manlalaro ang ₱80,000 na napanalunan ni Marifi.

Ang It's Showtime ay isang noontime show ng ABS-CBN. Sinimulan itong ipalabas noong 24 Oktubre 2009. Sa kasalukuyan, napapanood din ito sa buong mundo sa pamamagitan ng The Filipino Channel at iba pang platforms kagaya ng A2Z at YouTube. Ang programang ito ay ang pinaka-matagal variety show ng ABS-CBN.

Read also

Vic Sotto: "Bali-baliktarin man ang mundo, ito ang Eat Bulaga"

Naibahagi din ni Vice Ganda na mismong siya ang nag-request sa ABS-CBN executive na si Cory Vidanes kung pwede daw ba siyang mag-guest sa isang show sa GMA-7. Hindi niya binanggit kung anong show ang tinutukoy niya pero aniya ay gusto talaga niya mag-guest doon kung mabibigyan ng pagkakataon. Aniya, marami din ang nagtatanong at nag-aabang kung makapag-guest daw ba kaya siya sa show na iyon. Ayon naman daw kay Tita Cory ay sasabihin niya sa mga boss at baka magawan ng paraan.

Ayon kay MTRCB Chair Lala Sotto, ilang beses na silang nagbigay ng warning sa 'It's Showtime'. Kaugnay umano ito sa mga nagagawang violation ng noontime show. Sa panayam sa kanya ni Cristy Fermin, nabanggit niyang hindi na raw nila pwedeng palampasin ang violation. Pinaliwanag niya rin ang proseso bago sila nagbaba ng desisyon na ipatawag ang producers ng It's Showtime.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate