MTRCB Chair Lala Sotto, sinabing paulit-ulit na silang nag-warning sa It's Showtime
- Ayon kay MTRCB Chair Lala Sotto, ilang beses na silang nagbigay ng warning sa 'It's Showtime'
- Kaugnay umano ito sa mga nagagawang violation ng noontime show
- Sa panayam sa kanya ni Cristy Fermin, nabanggit niyang hindi na raw nila pwedeng palampasin ang violation
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
- Pinaliwanag niya rin ang proseso bago sila nagbaba ng desisyon na ipatawag ang producers ng It's Showtime
Ani MTRCB Chair Lala Sotto, ilang beses na silang nagbigay ng warning sa It's Showtime. Sa panayam ni Cristy Fermin, sinabi niyang hindi na nila pwedeng palambasin ang violation sa pagkakataong ito.
“Nagsimula po ang lahat ng ito dahil sa problema na natanggap namin at mula rin po sa monitoring inspection unit namin which is ‘yung naging paglabag sa alituntunin ng MTRCB sa paglabag ng Presidential Decree No. 1986 ng programang Showtime,”
Aniya, paulit-ulit na lang silang nagbibigay ng stern warning at aniya magalit na kung sino man ang magagalit.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Parati na lang warning... stern warning.. paulit ulit na warning..."
"Ngayon po ito, ay hindi namin pwede palampasin. MAGALIT NA KUNG SINO MAN ANG MAGAGALIT!"
Ang It's Showtime ay isang noontime show ng ABS-CBN. Sinimulan itong ipalabas noong 24 Oktubre 2009. Sa kasalukuyan, napapanood din ito sa buong mundo sa pamamagitan ng The Filipino Channel at iba pang platforms kagaya ng A2Z at YouTube. Ang programang ito ay ang pinaka-matagal variety show ng ABS-CBN.
Naibahagi din ni Vice Ganda na mismong siya ang nag-request sa ABS-CBN executive na si Cory Vidanes kung pwede daw ba siyang mag-guest sa isang show sa GMA-7. Hindi niya binanggit kung anong show ang tinutukoy niya pero aniya ay gusto talaga niya mag-guest doon kung mabibigyan ng pagkakataon. Aniya, marami din ang nagtatanong at nag-aabang kung makapag-guest daw ba kaya siya sa show na iyon. Ayon naman daw kay Tita Cory ay sasabihin niya sa mga boss at baka magawan ng paraan.
Maging ang mga employees ng GMA-7 ay masayang tinanggap ang paglipat ng It's Showtime sa GTV. Sa isang video na nilabas sa social media ay makikita ang ilang GMA employees na kumakanta ng theme song ng It's Showtime. Ilang Kapuso stars din ang bumisita sa It's Showtime sa unang araw nito sa GTV. Kabilang sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Christian Bautista, Mark Bautista, Richard Yap, Pokwang, Rayver Cruz, at Rodjun Cruz sa mga guests.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh