Vice Ganda, nag-request kung pwede siyang mag-guest sa isang GMA show

Vice Ganda, nag-request kung pwede siyang mag-guest sa isang GMA show

- Naibahagi ni Vice Ganda na mismong siya ang nag-request sa ABS-CBN executive na si Cory Vidanes kung pwede daw ba siyang mag-guest sa isang show sa GMA-7

- Hindi niya binanggit kung anong show ang tinutukoy niya pero aniya ay gusto talaga niya mag-guest doon kung mabibigyan ng pagkakataon

- Aniya, marami din ang nagtatanong at nag-aabang kung makapag-guest daw ba kaya siya sa show na iyon

- Ayon naman daw kay Tita Cory ay sasabihin niya sa mga boss at baka magawan ng paraan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Mismong si Vice Ganda daw ang nag-request sa ABS-CBN executive na si Cory Vidanes kung pwede daw ba siyang mag-guest sa isang show sa GMA-7. Ayon naman daw kay Tita Cory ay sasabihin niya sa mga boss at baka magawan ng paraan.

Read also

Vice Ganda, walang sama ng loob sa TV-5: "Ang laki ng tinulong nila sa amin"

Vice Ganda, nag-request kung pwede siyang mag-guest sa isang GMA show
Vice Ganda, nag-request kung pwede siyang mag-guest sa isang GMA show (Vice Ganda/YouTube)
Source: Youtube

Hindi pinangalanan ni Vice Ganda ang show pero aniya ay gusto niyang mag-guest doon.

Gusto ko lang lumabas sa programang ito. Kung uubra lang. Sana mag-guest ako sa show na ito.

Pakiramdam daw niya ay marami din ang curious kung makakapag-guest siya sa naturang programa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Feeling ko andaming nag-aabang nun. Feeling ko andaming excited. Andami ring mga umiikot ang pwet at curious kung pwede kaya syang mag-guest dun. Makakapag-guest kaya siya dun? I-invite kaya siya doon? What if mag-meet sila?

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Read also

Toni Fowler, inalala ang pagiging back up dancer sa It's Showtime

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Kamakailan ay hindi napigilan ni Vice Ganda ang maging emosyonal matapos kantahin ni Argus ang aniya'y paborito ng kanyang Tito Ion. Kinanta niya ang awiting "Beautiful Day" at iyon daw ang paborito ni Ion ayon din kay Vice. Matatandaang nitong June 11 ay naibahagi ni Ion ang tungkol sa pagpanaw ng kanyang kapatid. Ilang araw na rin na hindi nakakapasok si Ion sa It's Showtime kasunod ng pagbabahagi niya tungkol sa kanyang kapatid.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel