TAPE Inc, patuloy na gagamitin ang "Eat Bulaga" habang sila ay umaapela
- Sa pahayag na nilabas ni legal counsel ng TAPE na si Atty. Maggie Garduque, sinabi niyang may 15 na araw pa sila para umapela kaugnay sa naging desisyon ng IPO
- Habang hinihintay ang resulta ng kanilang apela ay patuloy daw na gagamitin ng TAPE ang "Eat Bulaga" bilang titulo ng kanilang noontime show
- Pagkatapos nito ay pwede pa rin daw silang umapela sa Director General ng IPO sa loob naman ng 30 araw
- Hiling din daw ng TAPE na huwag gamitin ng TVJ ang "Eat Bulaga" habang sila ay umaapela pa alinsunod sa batas at nawa daw ay hintayin nila ang magiging desisyon
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Naglabas ng pahayag ang TAPE, Inc sa pamamagitan ng legal counsel ng TAPE na si Atty. Maggie Garduque. Sa ulat na inilabas ng GMA news, patuloy daw na gagamitin ng TAPE ang Eat Bulaga bilang titulo ng kanilang noontime show.
“As confirmed by the statement released by IPO today, TAPE has a period of 15 days to appeal the decision of the adjudication officer to the Director of the BLA-IPO. Then, appealed decisions may still be appealed to the Director General of IPO within 30 days,”
Hiling din daw ng TAPE na huwag gamitin ng TVJ ang Eat Bulaga habang sila ay umaapela pa alinsunod sa batas at nawa daw ay hintayin nila ang magiging desisyon.
“As regards the plea of TVJ not to use Eat Bulaga, TAPE will continue to use the name Eat Bulaga for its noontime show pending the appeals.”
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
“The appeal will be considered moot and academic if it heeds to the plea of TVJ. In the same vein, TAPE likewise hopes that TVJ will not use Eat Bulaga pending the appeals in accordance with the law and rules and wait for the finality of the decision,”
Ang Eat Bulaga ay isang noontime show sa Pilipinas na napapanood sa GMA network. Ito ay blocktimer sa naturang network at ang TAPE Inc. ang producer nito at tinaguriang pinakamatagal na variety show sa bansa. Sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Chiqui Hollman at Richie D'Horsie ang mga pinakanaunang hosts dito nang una itong ipalabas noong July 30, 1979.
Matatandaang sa ulat ng PEP, nag-react ang magkapatid na sina Jon-Jon at Bullet Jalosjos sa pag-resign ng TVJ at Dabarkads.
Sa ulat ng Inquirer.net, pinabulaanan ni Allan K ang isyung hindi umano nila pinapapasok ang TAPE executives sa mga dressing room ng mga hosts.
Kabilang si Madam Kilay sa mga nagbigay-pugay sa Eat Bulaga matapos ang pagpapaalam ng TVJ ngayong araw sa TAPE, Inc. Ayon sa kanya, mula noong bata siya ay Eat Bulaga na talaga ang paborito niyang noontime show. Aniya, malaking karangalan para sa kanya na maging bahagi ng naturang show kahit ilang buwan lamang. Matatandaang napasama noon si Madam Kilay sa segment ng Eat Bulaga na Juan For all All for One.
Ayon kay dating Senador Tito Sotto, maging sila ay nabigla din sa nangyari kaya humantong sa kanilang desisyon na kumalas. Kaya daw sila pumasok na lahat ng host ay para magtrabaho at wala naman silang plano na kung ano. Nang bigla umano silang hindi payagang mag-live, naisip nilang ito na ang "bendisyon" ng Panginoon na magdesisyon sila. Kaya naman kahit nangangapa sa kanilang sasabihin ay naipahatid naman nila ang kanilang nais iparating.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh