Sarina Hilario, kinaaliwan sa kanyang pagkanta ng awiting 'Close To You'

Sarina Hilario, kinaaliwan sa kanyang pagkanta ng awiting 'Close To You'

- Kinaaliwan si Sarina Hilario sa kanyang panibagong video na binahagi ng ama niyang si Jhong Hilario

- Base sa caption ni Jhong, inaaral pa lamang daw ni Sarina ang awiting 'Close To You' na pinasikat ng Carpenters

- Marami ang naaliw at humanga kay Sarina dahil bukod sa pagiging bibo ay marunong din ito kumanta

- Karamihan sa mga kantang natutunan ni Sarina ay hindi bago kaya marami ang naaliw na makitang isang bata ang kumakanta ng mga lumang kanta

Kinagiliwan si Sarina Hilario sa bagong video na binahagi ni Jhong Hilario. Base sa caption ni Jhong, inaaral pa lamang daw ni Sarina ang awiting 'Close To You' na pinasikat ng Carpenters.

Sarina Hilario, kinaaliwan sa kanyang pagkanta ng awiting 'Close To You'
Sarina Hilario, kinaaliwan sa kanyang pagkanta ng awiting 'Close To You'
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kahit hindi pa ganoon ka kabisado ay nasasabayan ni Sarina ang kanyang daddy na matiyaga ding nagtuturo sa kanya.

Read also

Sandara Park, kinaaliwan sa kanyang paghataw sa overpass sa EDSA

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

Ay may nadagdag na sa playlist ni Sari.
OMG. Napakatalented, nakakawala ng pagod everytime i watch her. love, love
You're absolutely adorable and cute. Ang galing naman ng baby mo Jhong ngayon 2 na kayong paborito ko.

Si Jhong Hilario ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Streetboys kasama si Vhong Navarro na kasalukuyan niya ring kasama sa noontime show na It's Showtime.

Matatandaang ibinida ni Jhong ang video nila ng anak niyang si Sarina sa kanyang Instagram post. Makikita ang mag-ama na nakaupo sa tapat ng isang piano habang nagpipindot si Sari habang kumakanta. Sa caption ng naturang post ni Jhong ay sinabi niyang "Tong Tong Tong" at "Do Re Mi" mashup ang kinanta ng anak. Marami ang naaliw at natuwa sa pagiging biba ng anak ni Jhong na tinatawag niya ding Sample Princess hango sa bansag sa kanya bilang Sample King.

Read also

Annabelle Rama sa aniya'y taong nagmamalinis: "Kala mo kung sinong santa"

Kinaaliwan ang post ni Jhong na video kung saan makikita ang pagkanta ng anak niyang si Sarina. Habang nakahiga ay pinakanta ni Jhong ang anak ng awiting "Moon River" at agad namang itong sumunod. Malimit na magbahagi si Jhong ng video ng kanyang anak na talaga namang kinaaliwan ng netizens dahil sa pagiging biba nito. Kamakailan lang ay nagdiwang ng kanyang unang kaarawan ang anak ni Jhong at ng partner niyang si Maia Leviste Azores.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel