Jennylyn Mercado sa bagong video ni Dennis Trillo: "Bakit ba favorite mo diyan sa banyo!?"

Jennylyn Mercado sa bagong video ni Dennis Trillo: "Bakit ba favorite mo diyan sa banyo!?"

- Muling nagbahagi si Dennis Trillo ng nakakaaliw na TikTok video kung saan ginaya niya ang 1 Step Slipback Tutorial

- Kagaya sa mga nauna niyang video, kuha pa rin ito sa kanilang banyo sa bahay nilang mag-asawa

- Kaya naman, napakomento si Jennylyn at nagtanong kung bakit nito paboritong gumawa ng video sa kanilang banyo

- Umani ng mga komento ang tanong na ito ni Jennylyn lalo at inaabangan ng netizens ang kanyang reaksiyon sa mga TikTok video ng kanyang mister

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan ang komento ni Jennylyn Mercado sa pinakabagong TikTok video ni Dennis Trillo. Kagaya sa karamihan sa mga naunang video ni Dennis, kuha ang bagong video niya sa kanilang banyo.

Jennylyn Mercado sa bagong video ni Dennis Trillo: "Bakit ba favorite mo diyan sa banyo!?"
Jennylyn Mercado sa bagong video ni Dennis Trillo: "Bakit ba favorite mo diyan sa banyo!?"
Source: Instagram

Tanong ni Jennylyn sa mister, "Bakit ba favorite mo diyan sa banyo!?"

Read also

Vice Ganda: "Ako lang talaga ang walang grad pic sa lamesa sa bahay namin"

Umani ng mga komento ang tanong na ito ni Jennylyn lalo at inaabangan ng netizens ang kanyang reaksiyon sa mga TikTok video ng kanyang mister.

Narito ang ilang komento:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pine flex nya po kung gano kaganda banyo nyo.
Papagalitan mo daw kc xa kaya jan nlang daw xa sa banyo
Kung ganyan din kaganda banyo namin, magiging favorite tambayan ko banyo namin. haha!

Si Jennylyn Mercado ay isang Kapuso actress na nakilala matapos niyang manalo sa talent search na Starstruck ng GMA-7. Bukod sa pagiging aktres, nakilala din siya bilang isang mang-aawit, recording artist at product endorser. Sa kabila ng kanilang nakaraan, maganda ang relasyon ni Jennylyn sa asawa ng kanyang ex na si Patrick na ama ng kanyang anak na si Alex Jazz. Kaya naman marami ang natutuwa sa mga bonding moments nila na ibinabahagi nila sa social media.

Read also

Nikko Natividad, dumami raw ang kamag-anak nang manalo sa 'Gandang Lalake'

Ayon kay Jennylyn, malapit na siyang magbalik sa showbiz matapos ang kanyang pamamahinga dahil sa kanyang panganganak kay Baby Dylan. Sa panayam ni Nelson Canlas kay Dennis Trillo ay binati ni Jennylyn ang reporter kaya sinabihan niya ito na bumalik na sa trabaho. Matatandaang kinailangang itigil ng aktres ang kanyang taping sa seryeng "Love. Die. Repeat." Pinayagan naman siya ng GMA na ipagpatuloy na lamang niya ang naturang serye kapag pwede na siyang magtrabahong muli.

Kinaaliwan ang TikTok video ni Dennis Trillo kung saan nag-lip sync siya ng awiting Ikaw Lang Ang Aking Mahal. Makikitang may hawak siyang gitara at todo-bigay sa pagkanta nang biglang bumukas ang pinto. Nakatingin lang si Jennylyn Mercado sa kanyang asawa na tuloy lang sa pag-emote sa kanyang pagkanta. Nang mapalingon si Dennis ay nabigla siyang makita si Jennylyn na nakatingin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel