Vice Ganda: "Ako lang talaga ang walang grad pic sa lamesa sa bahay namin"

Vice Ganda: "Ako lang talaga ang walang grad pic sa lamesa sa bahay namin"

- Para kay Vice Ganda, malaking bagay ang binigay na mensahe ng kanyang nanay nang makasama ito sa kanilang Magpasikat performance

- Aniya, iba pa rin na may closure ang mga bagay lalo na ang tinuturing niyang insecurity niya at iyon ay ang hindi niya natapos ang kanyang pag-aaral

- Nabanggit niyang kapag-usapang grad pic ay nakakaramdam siya ng lungkot dahil siya lang daw sa kanila ang walang grad pic sa lamesa nila sa bahay

- Kaya naman, masaya siyang marinig mula sa kanyang ina kung gaano ito ka-proud at nagpapasalamat sa mga sakripisyo ni Vice para sa kanilang pamilya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Malaking bagay daw para kay Vice Ganda ang naging mensahe sa kanya ng kanyang Nanay Rosario. Sinabi niyang mahalagang may closure ang mga bagay lalo na ang tinuturing niyang insecurity niya at iyon ay ang hindi niya natapos ang kanyang pag-aaral.

Read also

Heart Evangelista kay Liza Soberano: "The spotlight is on you for everyone to see"

Vice Ganda: "Ako lang talaga ang walang grad pic sa lamesa sa bahay namin"
Vice Ganda: "Ako lang talaga ang walang grad pic sa lamesa sa bahay namin"
Source: Instagram

Kwento pa ni Vice, palagi raw kasi nasasabi sa kanya ng nanay niya tuwing may mga achievement siya na "Pero tapusin mo yung Political Science."

Nung nagtapos daw si Jhong masaya siya para sa kaibigan pero malungkot siya para sa kanyang sarili. Aniya, yung pressure nakakalunod at baka banggitin na naman ng nanay niya ang tungkol dito.

Nabanggit niyang kapag-usapang grad pic ay nakakaramdam siya ng lungkot dahil siya lang daw sa kanila ang walang grad pic sa lamesa nila sa bahay.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang bigat, andami kong awards pero wala akong grad pic.

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Read also

Lie Reposposa, pinabulaanan ang komentong hiwalay na sila ng boyfriend

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel