Vice Ganda at Ion Perez, nag-react sa comments sa kanilang wedding video

Vice Ganda at Ion Perez, nag-react sa comments sa kanilang wedding video

- Binahagi ni Ion Perez ang panibagong vlog sa paggunita nila ni Vice Ganda ng kanilang 5th Anniversary

- Nagbasa sila at nag-react sa ilang mga komento ng kanilang mga fans sa kanilang wedding video

- Nagpasalamat silang dalawa sa mga magagandang komento ng kanilang supporters at hiling ni Vice na ituloy lang ng madlang people ang kanilang pagbabahagi ng mensahe nila

- Aniya, nagiging masaya sila sa mga mensahe ng mga supporters nila at mas maganda raw na iyon ang kanilang mabasa kesa sa ibang mga komento na toxic

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa pagdiriwang nina Ion Perez at Vice Ganda ng kanilang 5th anniversary, napagpasyahan nilang magbasa at mag-react sa mga komento sa kanilang wedding video. Pinagpasalamat nila ang mga magagandang komento at mensahe ng kanilang fans.

Read also

Heart Evangelista at Marian Rivera, naka-follow na sa isa't-isa sa Instagram

Vice Ganda at Ion Perez, nagreact sa comments sa kanilang wedding video
Vice Ganda at Ion Perez, nagreact sa comments sa kanilang wedding video
Source: Youtube

Kabilang sa mga nabasa nilang komento ay tungkol sa kanilang wedding vow na ayon sa nagkomento ay sincere. Ani Vice, dahil wala silang paghahanda para sa kanilang kasal, biglaan lang talaga ang lahat kabilang na ang kanilang mga vows.

Nagpasalamat sila at ani Vice ay nagiging masaya sila sa mga mensahe ng mga supporters nila at mas maganda raw na iyon ang kanilang mabasa kesa sa ibang mga komento na toxic.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Read also

Rica Peralejo sa viral church lipat video: "I was really bothered when I saw the video"

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel