Rica Peralejo sa viral church lipat video: "I was really bothered when I saw the video"
- Inihayag ni Rica Peralejo ang kanyang opinyon at saloobin ang tungkol sa nag-viral na lipat church video
- Ani Rica, na bother siya sa aniya'y pamamahiya sa taong nagpasyang lumipat ng simbahan
- Sa kanyang opinyon, tama lang na umalis ang taong tinutukoy sa video dahil kung ganoon ang taong nakakasama sa simbahan ay hindi naman maganda
- Nilinaw niyang malamang may mga tumatawa sa mga Christian na kagaya niya pero aniya ay hindi naman lahat ng Christian ay pare-pareho
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Aminado si Rica Peralejo na nabahala siya sa nag-viral na video kung saan pinag-usapan ng ilang church members ang isang kasamahan nila na umalis. Aniya, Hindi talaga tama na ipahiya ang taong nagpasyang lumipat lalo na kung magmumula sa church leader.
Sa kanyang opinyon, tama lang na umalis ang taong tinutukoy sa video dahil kung ganoon ang taong nakakasama sa simbahan ay hindi naman maganda. Nilinaw niyang maaring mapagtawanan ang mga Christians dahil dito pero aniya ay hindi lahat ay pare-pareho.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Rica Peralejo ay unang nakilala nang maging bahagi ng "Ang TV." Kabilang ang mga palabas na Gimik at Oka Tokat, Mula sa Puso, Marinella, Kay Tagal Kang Hinintay, Sineserye Presents: Palimos ng Pag-ibig, Sa Piling Mo at Pangarap na Bituin sa mga ginawa niyang TV projects. Iniwan ni Rica ang pag-aartista upang matutukan ang kanyang pamilya nang ikasal siya sa mister na si Joseph Bonifacio. Biniyayaan sila ng dalawang anak na lalaki.
Kamakailan ay minabuti ni Rica na sagutin ang komento kaugnay sa kanyang suot papuntang Sunday service sa kanilang church. Sa isang post ay binahagi niya ang isang "Get ready with me" video kung saan makikita ang kanyang outfit na isang long sleeves polo at shorts. Ilan sa mga netizens ang napatanong kung wala daw bang dress code sa kanilang simbahan. Ayon kay Rica, sa kanyang paningin ay tama lang naman ang kanyang suot at hindi naman ito "immodest" sa kanyang opinyon.
Isa sa pinagpapasalamat umano ni Rica sa taong 2021 ay ang natanggap nilang bagong sasakyan lalo na at dumating umano ito sa panahong kailangan ng kanilang pamilya. Hindi na binanggit ni Rica kung kanino ito galing ngunit aniya ay ikukuwento niya ito sa susunod niyang mga vlog. Hindi naman maitago ng kanilang mga anak ang pagkakaroon nila ng bagong sasakyan lalo na ang kanilang panganay. Ani Rica, matagal na panahon din silang walang bagong sasakyan at akala umano nilang mag-asawa ay mabubulok na lang sa kanila ang sasakyan nila bago sila magkaroon ng bago.
Source: KAMI.com.gh