Pambansang Kolokoy, nakasama ang kanyang mama sa kanyang vlog

Pambansang Kolokoy, nakasama ang kanyang mama sa kanyang vlog

- Nakasama ni Pambansang Kolokoy ang kanyang mama sa kanyang pinakabagong vlog

- Sa intro ng kanyang vldeo ay sinabi ng mag-ina dahil may mga gusto daw siyang linawin sa mga lumabas na bali-balita

- Gayunpaman, hindi din naman natuloy ang kanyang pagsasalita dahil tinawag siya at hindi na bumalik sa video

- Natapos ang vlog ni PK na kasama niya ang anak niyang si Baby Juju at nag-mukbang

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi si Pambansang Kolokoy ng bagong vlog na kanyang pinamagatang "Ang Sagot ni Mama." Sa umpisa ng video ay sinabi nilang mag-ina na may gusto lang daw silang linawin.

Pambansang Kolokoy, nakasama ang kanyang mama sa kanyang vlog
Pambansang Kolokoy, nakasama ang kanyang mama sa kanyang vlog (Pambansang Kolokoy)
Source: Youtube

Anila ay gusto lang daw magsalita ng mama ni PK para mismong siya na ang maglinaw sa mga bagay na kanilang naririnig. Ayon pa kay PK matagal ding nanahimik ang mama niya.

Read also

Vice Ganda, binigyan ng P500,000 ang kanyang Nanay Rosario sa kaarawan nito

Gayunpaman, hindi pa man nangangalahati ang video ay tinawag ang kanyang mama at hindi na rin ito bumalik. Ang naging karugtong nito ay ang mukbang video ni PK kasama ang anak niyang si Baby Juju.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy ay nakilala sa kanyang mga nakakaaliw na mga online videos. Isinilang siya sa La Union at lumaki sa Baguio City kasama ang kanyang lolo at lola. Taong 1994 nang lumipat siya sa US para makasama ang kanyang mga magulang na OFW.

Matatandaang nagkomento si Miss Grace sa isang post kaugnay sa pahayag ng ex niyang si PK. Ito yung kanyang sinabi na magta-tatlong taon na raw kaya dapat ay mag-move on na sila. Ani Miss Grace, noong nakaraang taon lang sila naghiwalay kaya parang inamin daw nito na nagloko siya sa loob ng tatlong taon. Burado na sa kasalukuyan ang naturang post kasunod ng nilabas na reaction video ni Miss Grace sa Ogie Diaz interview ni PK.

Read also

Sarina Hilario, nangawit ang panga pero todo-smile sa mga nagpapa-picture sa kanya

Naglabas si Pambansang Kolokoy ng isang panibagong video na kanyang pinamagatang 'Buwelta.' Dito ay sinabi niyang gusto niyang sagutin ang aniya'y kumakalat na balita sa ngayon. Kabilang sa kanyang mga sinagot sa naturang vlog ay ang paggastos daw niya ng pera ng anak niya. Idinaan ni PK ang kanyang kasagutan sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kasamahan niya sa Batang Quiapo na si Hap.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel