Sarina Hilario, nangawit ang panga pero todo-smile sa mga nagpapa-picture sa kanya
- Kinaaliwan si Sarina Hilario sa isang video kung saan makikita kung gaano siya ka-accommodating sa mga tao
- Todo-ngiti ito sa mga taong gustong mag-papicture sa kanya kahit pa marami at sunod-sunod sila
- Sa isang bahagi ng video ay hawak niya ang kanyang pisngi na tila ba nangawit na sa kakangiti
- Umani ng mga papuri at komento ang anak ni Jhong Hilario na hindi lang bibo kundi mabait din
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Marami ang naaliw kay Sarina Hilario sa isang video kung saan game siyang ngumiti sa mga gustong magpa-picture kasama siya. Kahit ngawit na sa kakangiti ay tuloy pa rin siya at pinagbigyan ang mga tao.
Base sa video na binahagi sa Instagram page niya, marami ang mga taong lumapit at humiling na makapag-papicture sa kanya at alam na alam nito kung paano mag-pose at ngumiti sa camera.
Sa isang bahagi ng video ay makikitang hawak-hawak niya ang pisngi na tila ngawit na sa kakangiti. gayunpaman, pinagbigyan pa rin niya ang mga gustong magpa-picture pa sa kanya. Umani ng mga papuri at komento ang anak ni Jhong Hilario na hindi lang bibo kundi mabait din.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Jhong Hilario ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Streetboys kasama si Vhong Navarro na kasalukuyan niya ring kasama sa noontime show na It's Showtime.
Matatandaang ibinida ni Jhong ang video nila ng anak niyang si Sarina sa kanyang Instagram post. Makikita ang mag-ama na nakaupo sa tapat ng isang piano habang nagpipindot si Sari habang kumakanta. Sa caption ng naturang post ni Jhong ay sinabi niyang "Tong Tong Tong" at "Do Re Mi" mashup ang kinanta ng anak. Marami ang naaliw at natuwa sa pagiging biba ng anak ni Jhong na tinatawag niya ding Sample Princess hango sa bansag sa kanya bilang Sample King.
Kinaaliwan ang post ni Jhong na video kung saan makikita ang pagkanta ng anak niyang si Sarina. Habang nakahiga ay pinakanta ni Jhong ang anak ng awiting "Moon River" at agad namang itong sumunod. Malimit na magbahagi si Jhong ng video ng kanyang anak na talaga namang kinaaliwan ng netizens dahil sa pagiging biba nito. Kamakailan lang ay nagdiwang ng kanyang unang kaarawan ang anak ni Jhong at ng partner niyang si Maia Leviste Azores.
Source: KAMI.com.gh