Ara Mina, napaiyak si Deborah Sun nang i-prank niya ito na papaalisin sa kanyang condo

Ara Mina, napaiyak si Deborah Sun nang i-prank niya ito na papaalisin sa kanyang condo

- Kinamusta ni Ara Mina si Deborah Sun sa condo unit na tinitirhan nito na pagmamay-ari ni Ara

- Biniro niya ito na kailangan na daw niyang lumipat dahil nabili na ang condo at naiyak ito

- Hindi naman natiis ni Ara na makita ang naging reaksiyon ni Deborah at agad niyang sinabi na biro lang iyon

- Pinaayos nila ang condo sa pamamagitan ng pagpapalit ng pintura nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinuntahan ni Ara Mina si Deborah Sun sa condo para kumustahin ito. Biniro ni Ara si Deborah na kailangan na daw niyang lumipat dahil nabili na ang condo at naiyak ito.

Ara Mina, napaiyak si Deborah Sun nang i-prank niya ito na papaalisin sa kanyang condo
Ara Mina, napaiyak si Deborah Sun nang i-prank niya ito na papaalisin sa kanyang condo
Source: Instagram

Sa programgn Magandang Araw, pinakita nila ang kasalukuyang kalagayan ni Deborah na matapos nga ma-feature sa YouTube channel ni Julius Babao ay nakuha sa Batang Quiapo.

Read also

Nagpakilalang nakarelasyon noon ni Francis M, lumantad sa Pinoy Pawnstars

Pinagligpit siya ng gamit at sinabihan siya ni Ara na kailangan na raw niyang lumipat dahil may nakabili na ng condo.

Naiyak si Deborah at agad siyang niyakap ni Ara. Ani Ara, ipapaayos lang daw niya ang unit para mas maging komportable ang pagtira nilang mag-iina doon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Ara Mina o Hazel Pascual Reyes-Almarinez sa totoong buhay ay isang aktres at kilalang negosyante sa bansa. Nabiyayaan siya ng anak at noong 2021, ikinasal siya sa businessman na si Dave Almarinez. Binansagan siya bilang "Millennium Goddess" at ginawaran ng FAMAS Award for Best Actress.

Naibahagi ni Ara Mina na ayaw sana niyang pag-usapan ang pagtulong na ginagawa niya kay Deborah Sun na pitong taon nang naninirahan sa kanyang condo. Aniya, nabili niya ang naturang condo noong nasa That's Entertainment pa lang siya at una daw niyang investment iyon. Maliit lang daw ang condo at good for one person lang daw ang studio unit na iyon. Dagdag pa ni Ara, okay lang na doon si Deborah kahit habangbuhay pa raw siya doon tumira.

Read also

Mickey Ablan sa anak: "I'm so sorry My Baby Girl Yzabel, please forgive Daddy"

Muling nagkita sina Ara at Deborah matapos ang ilang taon na hindi sila nagkikita nang personal. Kahit hindi sila nagkikita ay sinabi ni Deborah na tuloy-tuloy ang pagtulong nito bukod pa sa pagpapatira ni Ara sa kanila sa condo niya. Abot-abot ang pasasalamat ni Deborah at naiyak pa ito habang binabanggit ang kanyang mensahe. Ayon kay Ara, hindi niya pa ito nabibisita sa condo nito simula nang pinatira niya ang mga ito sa kanilang bahay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel