Cristy, inalala ang dahilan ng pagkawala umano noon ni Yexel Sebastian sa Streetboys

Cristy, inalala ang dahilan ng pagkawala umano noon ni Yexel Sebastian sa Streetboys

- Inalala ni Cristy Fermin ang sinasabi umanong dahilan bakit nawala noon sa grupong Streetboys si Yexel Sebastian

- Ito ay dahil umano sa pagdadahilan nito na pinaniwalaan naman ng kanilang manager

- Ang grupong Streetboys ay kinabibilangan din noon ng mga naging kilalang celebrity tulad nina Danilo Barrios, Spencer Reyes, Jhong Hilario at Vhong Navarro

- Sa ngayon, gumagawa ng ingay online ang pangalan ni Yexel dahil umano sa mga akusasyon kaugnay sa isang investment scam

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Matunog ngayong ang pangalan ni Yexel Sebastian dahil sa umano'y kabi-kabilang reklamong kinakaharap nito, nabalikan ni Cristy Fermin sa Showbiz Now Na! ang sinasabing dahilan bakit nawala si Yexel sa grupong Streetboys.

Cristy, inalala ang dahilan ng pagkawala umano noon ni Yexel Sebastian sa Streetboys
Streetboys (Showbiz Now Na!/ Streetboys)
Source: Youtube

Matatandaang kasama nina Danilo Barrios, Spencer Reyes, Jhong Hilario at Vhong Navarro si Yexel sa kanilang dance group noong 90's kung saan ang batikang direktor na si Chito Roño ang kanila umanong manager.

Read also

Rey PJ kay Carla: "Honestly kasi hindi nagtapat sa akin ang aking anak"

"Alam niyo ba kung bakit nawala sa Streetboys si Yexel Sebastian? Pinagsinungalingan niya si Direk Chito Roño bilang manager nila. Sinabi niya kay Direk Chito, 'Direk hindi po ako makakapagrehearse, di rin ako makakapagperform, namatay po ang lola ko," pagbabalik-tanaw ni Cristy.

Subalit wala umano itong katotohanan gayung si Direk Chito pa umano ang nakakita kay Yexel sa isang amusement park sa Laguna na may kasamang girlfriend. Panay ang sorry raw noon ni Yexel sa manager lalo't pagkamatay ng mahal sa buhay ang idinahilan sa hindi pagdalo sa kanila sanang performance.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Bakit mo pagkakatiwalaan ang isang miyembro ng grupo na kayang ipangalan ang pagkamatay ng lola sa isang kalokohan," dagdag pa ni Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!

Si Yexel Sebastian ay isa sa kilalang YouTube content creator sa bansa. Nakilala rin siya sa toy community dahil sa mga mamahalin at kakaibang laruan na pagma-may-ari niya.

Read also

OFW sa Israel, nagbigay ng update sa RTIA: "Sanay na ako. Pero ngayon po, worst po talaga"

Gumawa ng ingay kamakailan ang pangalan ni Yexel sa umano'y investment scam na kinasasangkutan umano niya at ng kanyang partner na si Mikee Agustin. Naglabasan ang kabi-kabilang reklamo sa dalawa na pawang mga subscribers at followers pa naman nila.

Ngayong naidulog na sa programa ni Tulfo ang naturang reklamo, inaasahang aaksyunan na ito at ang unang gagawin umano ng programa ay ang pag-iimbestiga sa nabanggit na opisina ni Yexel na pinaglalagakan umano ng limpak-limpak na pera na umano'y na-invest sa kanila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel