Mark Liveste: "The last time I checked, I left my heart in America"

Mark Liveste: "The last time I checked, I left my heart in America"

- Diretsahang sinabi ni Vice Governor Mark Leviste na ang kanyang puso ay nasa America

- Sa kanyang pag-guest sa programa ni Aster Amoyo sa YouTube channel nito pinanindigan ni VG Mark ang kanyang pagmamahal para kay Kris Aquino

- Aniya, walang nagbago sa kanyang nararamdaman at mahal niya pa rin ang babaeng kanyang tinatangi

- Matatandaang kamakailan ay naglabas ng pahayag si Kris Aquino na single siya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

"What I have is genuine, the genuine kind of love." Ito ang diretsahang pahayag ni Vice Governor Mark Leviste kaugnay sa kanyang pag-ibig sa babaeng aniya ay nasa America.

Marc Liveste: "The last time I checked, I left my heart in America"
Marc Liveste: "The last time I checked, I left my heart in America" (@markleviste)
Source: Instagram

Buong pagmamalaki niyang ibinandera ang kanyang pagmamahal at paghanga kay Kris Aquino. Ito umano ang kanyang hinahangaan na celebrity.

Aniya, walang nagbago sa kanyang nararamdaman at mahal niya pa rin ang babaeng kanyang tinatangi. Ito ang kanyang pahayag sa panayam sa kanya ni Aster Amoyo.

Read also

Kris Aquino sa usaping pagbabalik-TV: "I’m now a different me with other missions in my mind"

Dagdag pa niya, madalas ay nami-misinterpret si Kris pero pag nakilala daw siya ng ibang tao ay masasabi niyang napakaganda nito at proud siya na sabihin ang tungkol sa kanyang pagtatangi kay Kris.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Sinagot ni Kris ang komento ni Vice Governor Marc Leviste sa kanyang Instagram post. Aniya, pinagpapasalamat niya ang lahat ng ginagawa para sa kanya ni VG Marc pero pinapaalalahanan niya daw ito palagi na mahalaga ang tungkulin niya sa kanyang nasasakupan. Humingi din siya ng pasensya sa mga Batangueño dahil sa oras na iginugugol sa kanya ni VG Marc. Aniya pa, hindi niya na ito gagambalain para makapag-focus na sa kanyang pagseserbisyo sa mga taga-Batangas .

Read also

John Wayne Sace, hiling na makabalik siyang muli sa pag-arte

Ayon kay Kris Aquino, nagpapasalamat siya na marami ang nagsasabing gusto nilang bumalik sa showbiz si Kris. Gayunpaman, aniya ay tanggap na ng kanyang puso't isip na hindi na kakayanin ng kanyang katawan na bumalik siya sa pagtatrabaho. Ito ang kanyang sagot sa isang netizen na nagkomento sa kanyang post at nagsabing hinihintay nito ang pagbabalik ni Kris. Ayon pa kay Kris walang lunas ang sakit niyang Churg Strauss o kilala din bilang EGPA.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel