Maris Racal, ni-repost ang paghahalintulad ng gown niya sa logo ng Columbia Pictures

Maris Racal, ni-repost ang paghahalintulad ng gown niya sa logo ng Columbia Pictures

- Kinaaliwan si Maris Racal matapos niyang i-repost ang collage ng isang netizen kung saan naihalintulad ang kanyang gown noong ABS-CBN ball

- Ayon sa netizen na may handle na @IcedMACKYato, kahawig daw ng gown ni Maris ang gown ng babae sa logo ng Columbia pictures

- Nagkakahawig sa kulay ang suot na gown ni Maris at ng babae sa naturang logo

- Kaya naman marami ang naaliw at nagkomento lalo nang i-repost mismo ni Maris ang post na ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-repost si Maris Racal ng collage kung saan inihalintulad ang gown niya sa ABS-CBN ball sa gown na suot ng babae sa logo ng Columbia Pictures. Umani ng mga komento ang naturang post.

Maris Racal, ni-repost ang paghahalintulad ng gown niya salogo ng Columbia Pictures
Maris Racal, ni-repost ang paghahalintulad ng gown niya salogo ng Columbia Pictures
Source: Instagram

Sa post ng netizen na may handle na @IcedMACKYato, sinabi niyang pamilyar yung damit ni Maris at napagtanto niya kung saan niya ito nakita.

Read also

Diether Ocampo, trending matapos ang kanyang pagdalo sa ABS-CBN ball

Kaya pala pamilyar kako yung outfit ni @MissMarisRacal , hawig pala nung sa logo ng Colombia Pictures! #ABSCBNBall2023

Marami ang naaliw at nagkomento lalo nang i-repost mismo ni Maris ang post na ito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Oo Yung sa Columbia Pictures logo'
hahahaha Ang cute ni Maris

Si Mariestella "Maris" Cañedo Racal ay isang 23 anyos na Pinay actress, singer-songwriter, host, vlogger at endorser. Una siyang sumikat noong 2014 matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: All In. Lumaki siya sa pamilyang mahilig sa musika at natutong tumugtog ng gitara sa murang edad.

Napakomento si Maris sa mga larawang kuha ng isang fan na nanood ng Summer MMFF 2023 Parade of Stars. Makikitang blurred lahat ng kuha ng fan sa mga artistang nakasama niya sa picture. Bukod kay Maris, malabo rin ang kuha ng fan na nakasama sa larawan sina Enchong Dee at Kylie Padilla. Kaya naman hiling ni Maris na makita muli ito upang maayos silang makakuha ng picture.

Read also

Singsing na suot ni Julia Montes sa ABS-CBN ball, agaw-pansin

Samantala, marami ang kinilig sa birthday greeting ni Rico Blanco sa girlfriend niyang si Maris. Nagdiriwang ng ika-26 na kaarawan si Maris noong Setyembre 22. Sa kanya namang socmed, nagbahagi si Maris ng ilan sa kanyang mga larawan. Taong 2021 nang aminin ni Maris sa "Magandang Buhay" na bago pa man ang pandemic ay may relasyon na sila ni Rico.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel