Kim Chiu, pinakita ang loob ng kanyang rest house sa Tagaytay

Kim Chiu, pinakita ang loob ng kanyang rest house sa Tagaytay

- Pinakita ni Kim Chiu ang interior ng kanyang rest house sa Tagaytay

- Sa kanyang bagong vlog ay inilibot niya ang kanyang mga viewers sa kanyang rest house na aniya ay lugar na nakaka-relax sa kanya

- Makikita sa loob ng bahay ang hilig ni Kim sa Feng Shui dahil maraming pampaswerte ang naroroon

- Kabilang sa kanyang pinakita sa house tour niya ay ang kanilang living room, dining area, kusina at ang veranda

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inilibot ni Kim Chiu ang kanyang viewers sa loob ng kanyang rest house sa Tagaytay. Kapansing-pansin ang hilig ni Kim sa Feng Shui dahil maraming pampaswerte ang makikita sa loob ng bahay niya.

Kim Chiu, pinakita ang loob ng kanyang rest house sa Tagytay
Kim Chiu, pinakita ang loob ng kanyang rest house sa Tagytay (Kim Chiu/YouTube)
Source: Youtube

Kabilang sa mga lugar na pinakita ni Kim ay ang kanilang living room, dining area, kusina at ang veranda. Sa veranda ay ibinida ni Kim ang magandang tanawin na aniya ay talagang nakakapagpaparelax sa kanya tuwing umuuwi siya doon.

Read also

Andrei Trazona, ibinida ang kanyang tribute performance para sa grupong kinabilangan ng ina

Marami naman ang na-inspire kay Kim dahil sa kanyang naipundar na ayon mismo sa kanya ay isa sa kanyang mga pangarap.

I totally agree with you Kim, when you feel stressed, overwhelmed or when you feel things are going against you the best thing is to pause and chill. Thank you for taking us on a tour of your beautiful rest house

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

I'm so proud of all your achievements ate kimmy. dream high. I will support you no matter what. Love you po
Wow ang ganda ng rest house ni Queen Kim Chui. Masipag ka kasi kaya nabibili mo mga bagay na gusto mo.

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw. Nagkaroon din siya ng mga kanta kagaya ng MR. Right at Peng You.

Read also

Trina Candaza, binahagi ang waybills ng orders sa kanyang negosyo: "Ang kapal"

Tuwang-tuwa si Kim nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos. Kilig na kilig si Kim habang sinusukat ang sapatos mula sa Diamond star. Todo-pasalamat si Kim at pinangakong aalagaan niya nang buong puso ang pamana ng kanyang inay Maria.

Samantala, kamakailan ay kinaaliwan sina Kim at Vic Sotto sa vlog ni Kim kung saan game na sinagot ni Bossing ang mga tanong ni Kim. Marami ang natuwa sa mga hirit at palitan ng joke ng dalawa na sa unang pagkakataon ay nagkasama. Matapos ang kanilang game ay nag-book si Bossing ng mga delivery riders para mabigyan ng biyaya. Dahil sa nakakaaliw na video nila ay maraming mga netizens ang gustong magkatrabaho ang dalawa sa pelikula.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate