Candy Andres Monroe, may mensahe sa mga magulang sa gitna ng isyu

Candy Andres Monroe, may mensahe sa mga magulang sa gitna ng isyu

  • Naglabas si Candy Andres Monroe ng paalala para sa mga magulang tungkol sa kanilang responsibilidad sa access, proteksiyon, pangangasiwa at paggabay sa paggamit ng kanilang mga menor de edad na anak sa internet at social media
  • Binigyang-diin niya ang responsibilidad ng parents na bantayan ang online activities ng kanilang mga anak, kasabay ng pagbanggit sa paalala ng Department of Social Welfare and Development o DSWD tungkol sa wastong supervision
  • Sa hiwalay na Facebook post, nagbahagi rin si Candy ng personal na kuwento tungkol sa kaniyang pananampalataya matapos umano siyang makakita ng Bible verse habang naghahanda para sa kaniyang night prayer
  • Naging emosyonal si Candy sa mensahe mula sa Psalm 147:3–6 at ibinahagi niya sa kaniyang followers ang kaniyang paniniwalang naririnig ng Diyos ang kanilang mga panalangin at nagbibigay Siya ng sagot sa mga nangangailangan ng gabay

Nagbigay ng paalala si Candy Andres Monroe, kapatid ni Jelai Andres, tungkol sa responsibilidad ng mga magulang sa paggamit ng kanilang mga menor de edad na anak ng internet at social media.

Read also

Mari Fowler, umapela sa fans na huwag patulan ang hate at fake news

Candy Andres Monroe, may mensahe sa mga magulang sa gitna ng isyu
Candy Andres Monroe, may mensahe sa mga magulang sa gitna ng isyu (📷Candy Andres Monroe/Facebook)
Source: Facebook

Sa isang Facebook post, direktang tinawag ni Candy ang pansin ng mga magulang at binigyang-diin ang kanilang papel sa pagbibigay ng proteksiyon at paggabay sa mga anak.

*“To All Parents:

You all must take FULL RESPONSIBILITY for the access, protection, supervision & guidance of your minor child. As DSWD emphasizes, PARENTS have a responsibility to supervise their children’s internet and social media use.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Thank you.”*

Hindi na nagdagdag si Candy ng iba pang detalye tungkol sa partikular na sitwasyong kaniyang tinutukoy sa naturang mensahe.

Gayunman, kapansin-pansin ang pagbanggit niya sa DSWD at sa responsibilidad ng parents na pangasiwaan ang paggamit ng kanilang mga anak sa online platforms. Nakatuon ang kaniyang pahayag sa access, proteksiyon, supervision at guidance ng mga menor de edad.

Bukod sa kaniyang paalala sa parents, nagbahagi rin si Candy ng isang personal na karanasan na may kaugnayan sa kaniyang pananampalataya.

Ayon sa kaniya, hindi siya madalas magbahagi tungkol sa kaniyang faith ngunit nagpasya siyang magkuwento bago siya matulog.

Read also

Ina ni Sachzna Laparan, may paglilinaw sa isyu kay Angelica Jones

“I just want to share a little story before I call it a night. I dont share much about my faith but i feel like sharing it with you tonight.”

Ikinuwento niya na bago siya magsagawa ng night prayer ay ipinikit niya ang kaniyang mga mata at nagtanong sa Panginoon kung ano ang nais nitong sabihin sa kaniya.

“As I was about to say my night prayer, I closed my eyes and simply asked the Lord, ‘Lord, what do You want to tell me tonight?’”

Napansin umano niya na nakabukas pa ang screen ng kaniyang cellphone. Habang tinatangka niyang alisin ang Facebook app sa screen, napunta siya sa susunod na reel at isang Bible verse ang lumitaw.

Ayon kay Candy, mahaba ang verse kaya hindi sana niya ito babasahin, ngunit may naramdaman siyang nagtulak sa kaniyang basahin ang kabuuan nito.

Ang verse na kaniyang nakita ay mula sa Psalm 147:3–6:

“He heals the brokenhearted and binds up their wounds. He determines the number of the stars and calls them each by name. Great is our Lord and mighty in power; HIS understanding has no limit. The Lord sustains the humble but casts the wicked to the ground.”

Read also

Yasmien Kurdi, labis na nag-alala nang hindi agad naasikaso ang ina sa ospital

Sinabi ni Candy na naging emosyonal siya matapos mabasa ang naturang Bible passage.

“Naiyak ako this was the reminder our hearts needed tonight. He hears us. You just need to talk to HIM. HE definitely answers. [🙏][🤍]”

Sa kaniyang post, ipinahayag din niya ang kaniyang paniniwala sa pagiging faithful at mabuti ng Diyos.

“He is faithful. He is good. He is worthy of all the praise. Always. [🙏🏻][🤍]”

Tinapos niya ang kaniyang mensahe sa pagbati ng magandang gabi at pagpapala sa kaniyang followers.

Ang bagong post ni Candy ay lumabas kasunod ng ilang pahayag na may kaugnayan sa mga usaping kinasasangkutan ng kaniyang kapatid na si Jelai Andres at pamilya Fowler.

Mababasa ang kaugnay na ulat sa Jelai Andres, nagbigay-paalala sa kababaihan tungkol sa respeto at kabutihan. Sa naturang ulat, ibinahagi ni Jelai ang kaniyang saloobin tungkol sa pagiging maayos sa pakikitungo sa ibang tao. Naging bahagi rin ng kaniyang mensahe ang panawagan para sa kindness at positibong pag-uugnayan ng mga kababaihan.

Read also

Jen Oliveros, nagpaabot ng pasasalamat sa mga sumusuporta sa kaniya

Samantala, naging emosyonal naman si Tyronia Fowler sa isang Facebook Live habang inilalahad ang kaniyang saloobin kaugnay ng mga batikos na natatanggap niya. Direktang nakipag-usap si Tyronia kay Jelai at ibinahagi ang kaniyang nararamdaman tungkol sa sitwasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: