Abogado sa icing incident nina Vice at Ion: "Ang gawang ito ay hindi naman labag sa batas"

Abogado sa icing incident nina Vice at Ion: "Ang gawang ito ay hindi naman labag sa batas"

- Sumangguni si Ogie Diaz sa isang abogado kaugnay sa kontrobersyal na icing incident nina Vice Ganda at Ion Perez

- Ipinaliwanag ng abogado ang umano'y tinutukoy na maaring nilabag ng dalawa

- Isinantabi rin niya na pawang mga kilalang personalidad sina Vice at Ion na inaakusahan umano ng paglabag sa RA 10175 o ang cybercrime prevention act of 2012

- Gayun pa man, iniwan niyang katanungan sa publiko na paano kung ibang tao ang gumawa nito, magiging kontrobersyal pa rin nga ba ito at aabot pa sa pagsasampa ng reklamo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hiningan ng opinyon ni Ogie Diaz ang abogado na si Atty. Juanito R. Lim Jr. ng Lim and Yutatco Law Firm. kaugnay sa icing incident nina Vice Ganda at Ion Perez.

Abogado sa icing incident nina Vice at Ion: "Ang gawang ito ay hindi naman labag sa batas"
Vice Ganda and Ion Perez (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Ipinaliwanag muna ni Atty. Lim ang sinasabing maaring nalabag nina Vice at Ion.

Read also

Ogie D sa bagong show ni Liza Soberano na 'Liza in Korea': "Ibigay natin sa kanya 'yun"

"'Di umano, ang kay Vice at kay Ion ay violation ng article 201 of the revised penal code in relation to section 6 of RA 10175 or yung cybercrime prevention act of 2012."
"Sa madaling salita, ang ikinaso kay Vice ay pagpapakita, pagpapalaganap ng malaswang panoorin sa paggamit pa ng information technology."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kaugnay nito, sinabi ni Atty. Lim na naniniwala siyang walang nalabag sina Vice at Ion sa pagkain ng icing na kanilang nagawa sa kanilang programa.

"Bilang abogado po, ako ay naniniwala na hindi nilabag ni Vice at ni Ion ang nasabing batas. Ang pagkain ng icing sa cake in itself is not indecent or immoral per se. Ang gawang ito ay hindi naman labag sa batas. Sa kaayusan sa publiko, sa moralidad, sa mabuting kaugalian, mga polisiya o mga ligal na kautusan"

Read also

Derek Ramsay, tinatakot daw ni Ellen Adarna: "I wake up nakabaliktad siyang ganyan"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel:

Si Vice Ganda ay isang TV host at komedyante na tinagurian ding 'Unkabogable Star'. Sa ngayon, bukod sa It's Showtime, abala rin si Vice sa paggawa niya ng mga videos para sa kanyang YouTube channel kung saan mayroon na siyang 7.8 million subscribers.

Nito lamang Hunyo 28 ng kasalukuyang taon, pinakaabangan ng lahat ang mensahe ni Vice Ganda sa ginanap na contract signing ng kanyang It's Showtime family sa GTV. At nito lamang Hulyo 1, isang bonggang opening number ang hinandog ng kanilang programa bilang first episode na mapapanood sila sa GTV.

Samantala, matatandaang pinayuhan pa ni Ogie Diaz si Vice Ganda at mga kasama nito sa It's Showtime na mag-courtesy call sa MTRCB upang sila ay mas maunawaan ng naturang ahensya na nooo'y wala pang desisyon ukol sa mga reklamong nakarating sa kanila kaugnay ng noontime show.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica