Ogie D sa bagong show ni Liza Soberano na 'Liza in Korea': "Ibigay natin sa kanya 'yun"

Ogie D sa bagong show ni Liza Soberano na 'Liza in Korea': "Ibigay natin sa kanya 'yun"

- Nagbigay komento si Ogie Diaz patungkol sa bagong show ni Liza Soberano sa Korea

- Ayon sa kasama ni Ogie D sa Showbiz Update na si Mama Loi, 10-part series umano ang bagong show na ito ni Liza

- Naikwento rin ni Ogie ang pagiging KPop fan ni Liza partikular na ng grupong BTS

- Kaya naman masasabing gusto at masaya si Liza sa bagong proyekto niyang ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Natalakay nina Ogie Diaz, Mama Loi at Tita Jegs sa kanilang Showbiz Update ang tungkol sa bagong show ni Liza Soberano.

Ogie D sa bagong show ni Liza Soberano na 'Liza in Korea': "Ibigay natin sa kanya 'yun"
Liza Soberano
Source: Instagram

Ang nasabing show na ito ay ang ten-part series na 'Liza Soberano'. Kwento mismo ni Liza sa isang IG post ukol dito, "From the delicious food to the dynamic entertainment scene, I discovered so much about this incredible country."

Read also

Ogie Diaz sa birthday outfit ng anak niyang si Erin: "Pag ikaw, sinipon, inubo, pinulmonya.."

"E di bongga. Kasi si Liza alam nang lahat na BTS fan yan. Kasi pumunta pa 'yan ng ibang bansa para manood ng concert ng BTS. Tapos nagtagpo sila ni Arci Munoz," ani Ogie Diaz na dating manager ni Liza.

Naikwento pa umano niya ang pagiging BTS fan ni Liza na dumarayo pa talaga sa ibang bansa makanoond lamang ng concert ng nasabing Korean group.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Kung happy si Liza doing it, ibigay natin sa kanya 'yun," giit pa ni Ogie.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Liza Soberano na ngayo'y tinatawag din bilang si Hope Soberano ay isang Filipina model at actress na sumusubok ngayon ng kapalaran niya sa Amerika partikular na sa Hollywood. Sampung taon din namayagpag ang kanyang career sa Pilipinas kung saan naging ka-love team niya ang kanyang boyfriend na si Enrique Gil.

Read also

Andrei Trazona, ibinida ang kanyang tribute performance para sa grupong kinabilangan ng ina

Nang matapos ang kontrata sa dating manager na si Ogie Diaz, naging kontrobersyal ang pagpasok sa bagong yugto ng kanyang showbiz career nang ilabas niya ang kanyang 'This is me' vlog na naglalaman ng mga rebelasyon. Sinundan pa ito ng kabi-kabilang interviews na lalong nagpaigting sa mga bagay-bagay na umano'y naisiwalat ni Liza.

Kamakailan, muling gumawa ng ingay si Liza online dahil sa tawag sa kanya ni Dra. Vicki Belo nang maging panauhin siya nito sa kanyang vlog. Sa halip na Liza, "Hope" ang tawag nito sa kanya. Inakala tuloy umano ng marami na tuluyan nang 'Hope' ang ginagamit na pangalan ng aktres.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel