Neri Naig balik presinto sa Dec. 4 matapos ang pagkaka-confine sa ospital
- Si Neri Naig-Miranda ay naka-schedule ma-discharge mula sa ospital ngayong Miyerkules, December 4 ayon sa BJMP
- Inilipat siya sa ospital mula Pasay City Jail noong November 29 para sa medical evaluation na iniutos ng korte
- Nilinaw ng BJMP na standard procedure lamang ito at walang seryosong health issue ang aktres
- Nahaharap si Neri sa mga kasong estafa at Securities Regulation Code violation, kabilang ang ilan na non-bailable
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagbahagi ng bagong update ang Bandera ukol kay actress-entrepreneur Neri Naig-Miranda matapos ang kanyang pagka-confine sa ospital. Ayon sa ulat ng Bandera, inihayag ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na siya ay naka-schedule na ma-discharge ngayong Miyerkules, December 4.
Noong November 29, si Neri ay inilipat sa isang hindi pinangalanang ospital mula sa Pasay City Jail Female Dormitory para sa medical evaluation alinsunod sa court order. Ayon kay BJMP spokesperson Jail Supt. Jayrex Bustinera, itinakda ng korte na hindi dapat lumagpas ng limang araw ang nasabing pagsusuri.
Nilinaw rin ng BJMP na si Neri ay walang anumang malalang health issue, ngunit ang pagdala sa kanya sa ospital ay bahagi ng standard procedure upang masuri ang kanyang kalusugan at kalagayan.
Samantala, matatandaang inaresto si Neri noong November 23 dahil sa umano’y paglabag sa Securities Regulation Code, estafa, at syndicated estafa. Aabot sa mahigit P1.7 milyon ang kanyang piyansa para sa isang kaso, ngunit ilan sa kanyang mga kaso ay non-bailable.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Pang-pito rin siya sa listahan ng “Most Wanted Persons” ng police station level ayon sa Southern Police District (SPD).
Ang legal team ni Neri ay naghain ng motion to quash sa Regional Trial Court sa Pasay City upang mapawalang-bisa ang mga kaso, ngunit iniurong ang kanyang arraignment sa January 9 upang bigyang-daan ang pagsusumite ng komento ng prosecution at Securities and Exchange Commission (SEC).
Posible rin, ayon sa mga ulat, na gugulin ni Neri ang Pasko at Bagong Taon sa presinto habang hinihintay ang susunod na hakbang sa kanyang kaso.
Si Neri naig Miranda o Nerizza Garcia Presnede Naig-Miranda sa tunay na buhay ay isang aktres na unang nakilala nang mapasali siya sa reality show ng ABS-CBN na Star Circle Quest. Tinanghal siyang 6th runner-up sa naturang talent search. Taong 2914 nang ikasal sila ng bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.
Hindi man aktibo sa showbiz, naging matagumpay si Neri pagdating sa pagnenegosyo. Marami ang humanga sa kanya ngunit mayroon ding mga negatibo ang pagtanggap sa pagbabahagi ni Neri tungkol sa kanyang mga negosyo. Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Neri ang kanyang pasasalamat sa kanyang mister na si Chito. Kaugnay ito sa kanyang natanggap na regalo mula sa kanyang mister na massage chair. Isang netizen naman ang tila hindi nagustuhan ang pag-post na ito ni Neri at sinabihan niya itong mayabang. Imbes na magalit, sinabi ni Neri na malalampasan din ng naturang netizen kung ano man ang pinagdadaanan niya.
Hindi naman pinalampas ni Chito ang isang netizen na nagsabing mayabang sila ng kanyang asawang si Neri. Sinabihan ni Chito ang netizen na mag-unfollow na lang kung naiinis siya sa post ni Neri dahil mayroon namang mga netizens na na-iinspire sa post ng kanyang asawa. Dagdag pa ni Chito, social media account naman ni Neri iyon kaya may kalayanan naman siyang i-post ang mga bagay na gusto niyang isapubliko.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh