Carmina Villarroel, inalala kung paano siya napaiyak ni Maricel Soriano

Carmina Villarroel, inalala kung paano siya napaiyak ni Maricel Soriano

- Inalala ni Carmina Villarroel kung paano siya noon napaiyak ni Maricel Soriano

- Aniya, kinausap pa umano ng kanyang ina si Maricel bilang ito lang ang nakapagpaiyak sa kanya noon

- Madalas din umano siyang gumanap bilang batang Maricel Soriano

- Bukod dito, naikwento rin ni Carmina ang iba pa niyang karanasan noong nag-uumpisa pa lang siya sa showbiz

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Natatawang binalikan ni Carmina Villarroel kung paano siya napaiyak ni Maricel Soriano.

Carmina Villaroel, inalala kung paano siya napaiyak ni Maricel Soriano: "
Camina and Maricel (Maricel Soriano YouTube)
Source: Youtube

Aminado si Carmina na noong siya'y bata pa, hirap siya sa mga eksenang kailangan na umiyak.

Kaya naman nang mismo si Maricel na ang nakapagpaiyak sa kanya, napalapit pa umano ang kanyang ina sa nag-iisang Diamond Star.

"Naku Maricel! Ikaw lang ang nagpaiyak sa anak ko... Ikaw lang talaga ang nakapagpaiyak sa kanya," pagbabalik-tanaw nina Maricel at Carmina sa nasabi ng ina ni Carmina.

Read also

Cristy kay Andrea Brillantes bilang 'Most Important Star' ng ABS-CBN: "Panahon ni Andrea ngayon"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naikwento rin ni Carmina na kung ano ang impresyon niya sa Diamond Star mula nang makilala niya ito.

"Ang naalala ko lang, masakit kang manampal. Small but terrible," ani Carmina.

Nilinaw niyang ito marahil ay dala lamang ng matinding emosyon

"Sobra po siyang bait, lalo na pag nakilala niyo,"

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Maricel Soriano YouTube channel:

Si María Carmina Muñiz Villarroel-Legaspi o mas kilala sa kanyang screen name na Carmina Villarroel-Legaspi ay isang Filipina actress at kilalang TV host. Siya ang misis ng isa ring aktor na si Zoren Legaspi.

Sa kanyang YouTube video, ibinahagi ni Carmina ang mga naging kasagutan ng kanyang mister na si Zoren sa ilang mga katanungan. Kabilang na dito ang tungkol sa umano'y pinakapaboritong bahagi nito sa kanilang kasal. Ani Zoren, iyon ay ang paglalakad ni Carmina sa aisle dahil sa emosyon na kanyang nararamdaman noong mga panahong iyon - Dito na nagsimulang balikan ni Zoren ang isa sa mga dahilan kung bakit niya naisipang ituloy ang kanilang surprise wedding na may kinalaman pala sa ama ni Carmina.

Read also

Ivana Alawi, sinadya ang bakod na nag-viral: "Bawal umihi diyan, ako lang daw pwede"

Naitanong ni Carmina ang ilan sa mga katanungan para sa kanyang aswang si Zoren Legaspi sa isang vlog. Kabilang dito ay kung handa na ba ito na magkaroon ng karelasyon ang kanilang kambal na anak na sina Mavy at Cassy Legaspi. Aminado si Zoren na hindi pa siya handa at nagbigay pa ito ng kanyang saloobin kaugnay sa aniya'y nakaugalian kaya maagang namumulat ang mga bata sa pakikipagrelasyon. Naniniwala umano siyang kahit nasa 21 na ang kanyang mga anak ay hindi ito nangangahulugang handa na sa pakikipagrelasyon ang mga ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel