Ivana Alawi, sinadya ang bakod na nag-viral: "Bawal umihi diyan, ako lang daw pwede"

Ivana Alawi, sinadya ang bakod na nag-viral: "Bawal umihi diyan, ako lang daw pwede"

- Pinuntahan ni Ivana Alawi ang viral na bakod na napag-alaman niyang sa Pandi, Bulacan ito

- Tila hindi makapaniwala si Armando nang puntahan ni Ivana ang kanilang bakod

- Sa naturang video ay nagdala ng sarili niyang cr si Ivana para aniya ay ma-achieve ang kanyang pag-ihi doon

- Masayang-masaya ang gumawa nito na si Armando nang makita si Ivana lalo na nang bigyan siya ni Ivana ng 50K dahil ani Ivana ay marami itong napasaya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinadya ni Ivana Alawi ang nag-viral na bakod na matatagpuan sa Pandi, Bulacan. Ayon sa nagsulat sa bakod na ito, nag-isip siya ng kakaibang paraan para magpapansin kay Ivana.

Ivana Alawi, sinadya ang bakod na nag-viral: "Bawal umihi diyan, ako lang daw pwede"
Ivana Alawi, sinadya ang bakod na nag-viral: "Bawal umihi diyan, ako lang daw pwede" (Ivana Alawi/Facebook)
Source: Facebook

Sa isang maiksing video ay pinakita ni Ivana ang pagkikita nila ni Armando. Aniya, dalawang taon na ang nakalipas nang sinulat niya ito sa bakod. Biro pa niya, maging asawa niya ay pinigilan niyang umihi doon.

Read also

Nikko Natividad, napagtantong mahirap daw pala matulog sa garahe nila

Mayroon ding cr sa tabi nito na ayon kay Ivana ay dinala niya para matupad ang nakasulat sa bakod. Masayang-masaya naman si Armando na makita nang personal si Ivana at makatanggap ng P50K mula sa aktres.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Ivana Alawi ay sumikat at nakilala matapos niyang pasukin ang paggawa ng YouTube content. Kahit dati nang artista, mas sumikat siya nang naging vlogger siya. Sa katunayan mayroon nang mahigit 16 milyon ang kanyang subscribers sa YouTube. Matapos ang pagsikat niya sa social media, nagkaroon siya ng maraming oportunidad kabilang na ang pagbida niya sa isang serye.

Kamakailan ay kinaaliwan sina Dra. Vicki Belo at asawa niyang si Hayden Kho sa vlog kung saan naging magulang sila nina Mona at Ivana habang naglilibot sa Italy. Sa simula ng vlog ay makikita ang mag-asawa at sinabi ni Dra. Belo na kailangan ng mga anak nila ng disiplina ni Hayden at pang-spoil ni Doktora. Agad pinuna ni Dra. Belo ang kanyang pananamit at sinara ang suot nitong cardigan sabay nagbiro na siya na lang ang magsasara dahil delikado pag si Hayden. Natawa naman si Hayden sa biro niyang ito kaya nabatukan niya ito nang pabiro.

Naibahagi din ni Ivana Alawi sa vlog niya ang bahay nila sa Bacood Sta Mesa. Paglilinaw nila ni Mona, nagsimula sila sa simpleng buhay taliwas sa nakikita sa kanilang vlog. Kinuwento nila ang kanilang mga memories sa dating bahay na ayon sa kanila ay malaki na para sa kanila. Pinakita nila ang ilang bahay na kanilang nilipat-lipatan noong doon sila nakatira.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel