Ogie D sa pag-unfollow umano nina KC at Sen. Kiko sa isa't isa: "sana i-patch up na"

Ogie D sa pag-unfollow umano nina KC at Sen. Kiko sa isa't isa: "sana i-patch up na"

- Naging usap-usapan ang umano'y pag-unfollow nina KC Concepcion at dating Senator Kiko Pangilinan sa isa't isa

- Maging si Kakie ay naka-unfollow din sa ate na KC at ganoon din ito sa kanya

- Dahil dito, hiling ni Ogie na sakaling may hindi man pagkakaunawaan ang mga ito ay maayos na agad nila bilang pamilya

- Si KC nasa bansa umano para i-promote ang international film nitong "Asian Persuasion"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakarating umano kay Ogie Diaz ang napabalita kamakailan na pag-unfollow umano nina dating senador Kiko Pangilinan at KC Concepcion sa isa't isa.

Ogie D sa pag-unfollow umano nina KC at Sen. Kiko sa isa't isa: "sana i-patch up na"
KC Concepcion: (@kristinaconcepcion)
Source: Instagram

Nang i-check mismo nina Ogie, nakumpirma nilang hindi na naka-follow sa Instagram ang dalawa at maging si Kakie sa kanyang ate KC.

Kapansin-pansin naman na si Miel at KC ay naka-follow pa rin sa isa't isa gayundin si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang panganay na anak.

Read also

Cristy, may payo umano kay Vice Ganda: "'Wag na kayong maghamon"

Ang hindi lamang makumpirma ni Ogie ay kung ngayon lamang nag-unfollow ang mga nabanggit sa isa't isa o noon pa man bago ito mapabalita.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Gayunpaman, hiling ni Ogie na sakaling mayroon mang 'di pagkakaunawaan ang mga ito, maayos na rin agad nila bilang magkakapamilya.

"Sana, kung anuman ang problema ni KC sa kanyang inang si Sharon Cuneta, o sa kanyang stepdad na si Kiko, sa kanyang mga kapatid, sana i-patch up na kasi at the end of the day, magkakapamilya kayo. Lalo na si KC ang pinakapanganay sa lahat ng magkakapatid sa side ng daddy niya sa side ng mommy niya. So dapat siya 'yung tinitingala ng kanyang mga kapatid."

"Kung gusto lang ni KC na siya'y tularan ng kanyang mga kapatid bilang big sister, sana no, maayos yan ni KC," ani Ogie.

Read also

Andrea Brillantes: "Is my love life or taste in boys really that relevant to this world?"

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan kasama sina Mama Loi at Tita Jegs sa kanilang Showbiz Update YouTube channel:

Si Maria Kristina Cassandra "KC" Cuneta Concepcion ay isang Filipino actress, singer, dancer, TV host, entrepreneur, socialite at humanitarian. Pinasok din niya ang mundo ng showbiz at bumida siya sa mga pelikulang For The First Time at When I Met U, gayundin sa mga television series tulad ng Lovers in Paris, Huwag Ka Lang Mawawala at Ikaw Lamang. Siya ang anak ng nag-iisang Megastar Sharon Cuneta at ng kilalang aktor na si Gabby Concepcion.

Sa naging interview ni Ogie Diaz kay Megastar, nasabi nitong napakabuti ng kanyang anak subalit hindi lamang umano nagkakatugma minsan ang kanilang mga ugali.

Samantala, sa isang episode ng Showbiz Now Na! nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez, nabanggit ni Cristy ang kaniya umanong paghanga kay Sharon Cuneta kung paano nito napalaki ng maayos ang anak na si KC na malapit pa rin sa kanyang ama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica