Ogie Diaz sa umano'y no reply ni Kim Chiu: "Hindi ako galit sa'yo"

Ogie Diaz sa umano'y no reply ni Kim Chiu: "Hindi ako galit sa'yo"

- Naikwento ni Ogie Diaz ang umano'y hindi na pagreply muli sa kanya ni Kim Chiu

- Sa umpisa ay nakasagot pa umano ito sa mensahe niya ngunit nang tanungin kung maari niya itong ma-interview, 'di na nagreply

- Ayon naman kay Ogie, maaring busy lamang talaga si Kim na isa sa mga host ng daily noontime show na "It's Showtime"

- Gayunpaman, mas mainam pa rin umano sana'y sumagot pa rin ito sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Ogie Diaz ang umano'y pagdedma sa kanya ni Kim Chiu nang padalhan niya ito ng mensahe kamakailan.

Ogie Diaz sa umano'y no reply ni Kim Chiu: "Hindi ako galit sa'yo"
Kim Chiu (@chinitaprincess)
Source: Instagram

Ayon kay Ogie, sa una'y nagawa pa umanong magreply ni Kim subalit hindi na muli itong nasundan pa.

"Sabi ko, Kimmy... Sabi niya 'Yes Mama', sabi ko 'baka pwede kitang maka-one on one interview. 'Di ako sinagot. Tapos nagtext ulit ako, ah baka busy ka lang. 'Di bale next time na lang sabi kong ganon," ani Ogie na inisip na lamang talaga na busy ang TV host/actress.

Read also

Vice Ganda, napatili nang ilabas ang birthday cake ni Ogie Alcasid: "Aaayy! May Icing"

Gayunpaman, nilinaw ni Ogie na wala umano siyang galit kay Kim subalit mas mainam umanong nagreply pa rin ito kahit mag-pass o tumanggi ito sa sana'y one on one interview.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Kim Chiu, hindi ako galit sa'yo. Ako pa ba. Sana lang sumagot na Mama, pass muna, edi mas matatanggap ko 'di ba. Pero 'yung dedma, natatanggap ko pa rin naman at normal 'yan."

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ogie mula sa kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw. Nagkaroon din siya ng mga kanta kagaya ng Mr. Right at Peng You.

Read also

Post ng isang UP graduate ukol sa hirap ng buhay, umantig sa puso ng marami

Kamakailan, Aminadong humanga si Cristy Fermin sa mga hosts ng It's Showtime na walang anumang ipinaramdam na negatibo sa pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Napuri ni Cristy ang mga hosts lalong-lalo na umano si Kim Chiu na nagpapakita ng mataas na na respeto sa original trio ng Eat Bulaga. Matatandang nagbigay pahayag si Kim ng pagsuporta sa TVJ nang matanong ito sa kanya sa press conference ng ineendorso niyang produkto.

Samantala, bukod sa pagiging aktres, TV host at mahusay na dancer, patok na patok din ang bag business ni Kim. Katunayan, sa unang linggo pa lamang mula nang magbukas ang kanyang negosyo, sold out na raw agad ang lahat ng ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: