Kim Chiu, natupad ang pangarap na masampal ni Maricel Soriano: "Sobra po akong natigalgal"

Kim Chiu, natupad ang pangarap na masampal ni Maricel Soriano: "Sobra po akong natigalgal"

- Naihayag ni Kim Chiu ang kanyang kasiyahan na makatrabaho si Maricel Soriano

- Aniya, nasa bucket list niya na masampal ng Diamond star at natupad na iyon

- Hirit pa niya, natigalgal daw siya nang masampal ng kanyang inay Marya

- Gayunpaman, lahat sila sa kanilang seryeng "Linlang" ay puring-puri ang Diamond Star

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Kim Chiu na pangarap niyang makatrabaho at masampal ng isang Maricel Soriano. Hirit pa niya, natigalgal daw siya nang masampal ng kanyang inay Marya.

Kim Chiu, natupad ang pangarap na masampal ni Maricel Soriano: "Natigalgal ako"
Kim Chiu, natupad ang pangarap na masampal ni Maricel Soriano: "Natigalgal ako"
Source: Instagram
Sobra po akong natigalgal.

Ani Kim, masaya daw siya na makatrabaho sa wakas ang Diamond star.

Sa media conference ng bagong serye nila ay puro papuri ang mga nasambit nila sa kanilang Inay Marya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Melai Francisco, aligaga nang makaharap niya si Jericho Rosales

Masaya ding binahagi ni Kim na marami na siyang mamahaling sapatos mula kay Maricel dahil parehas sila ng size ng paa.

Very generous si Inay. Dami niyang binibigay sa'min. Lalo na ako kasi magka paa kami. so andami-dami ko nang sapatos na mamahalin galing kay inay. Andami niyang pagkain lagi sa kwarto niya.

Bukod pa dito marami daw itong pagkain lagi na dala at alagang-alaga sila nito.

Lahat sila na cast sa kanilang bagong seryeng Linlang ay puring-puri ang Diamond Star.

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw. Nagkaroon din siya ng mga kanta kagaya ng MR. Right at Peng You.

Sa post ni Kim, binahagi niya ang saloobin na nakabalik na siya sa pagtatrabaho matapos ang mahigit isang linggo. Sa kanyang pagbabalik-trabaho, aniya ay mas naging makahulugan sa kanya ang linyang “Umulan man o Umaraw. Kahit ang dulo ay di matanaw." Bahagi ito ng lyrics sa opening song ng noontime show na "It's Showtime."Matatandaang nitong nakaraang mga araw ay hindi nakapasok si Kim sa "It's Showtime".

Read also

Joel Mondina aka Pambansang Kolokoy, umalma: "Alam mo ba yung salitang 'move on?'"

Tuwang-tuwa si Kim nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos. Kilig na kilig si Kim habang sinusukat ang sapatos mula sa Diamond star. Todo-pasalamat si Kim at pinangakong aalagaan niya nang buong puso ang pamana ng kanyang inay Maria.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel