Joel Mondina aka Pambansang Kolokoy, umalma: "Alam mo ba yung salitang 'move on?'"

Joel Mondina aka Pambansang Kolokoy, umalma: "Alam mo ba yung salitang 'move on?'"

- Nag-post si Joel Mondina o mas kilala bilang si Pambansang Kolokoy ng isang makahulugang mensahe

- Wala itong binabanggit na pangalan ngunit aniya ay dapat tantanan na at huwag kung ano ano raw na paninira ang sinasabi

- Dagdag pa niya, magta-tatlong taon na at dapat ay mag-move on na sila

- Usap-usapan sa kasalukuyan ang nilabas na video ng ex niyang si Miss Grace kung saan sinagot nito ang naging pahayag ni PK sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi si Joel Mondina o mas kilala bilang si Pambansang Kolokoy ng kanyang saloobin kaugnay sa aniya ay paninira sa kanya. Ito ay kasunod ng paglabas ng reaction video ng kanyang ex na si Miss Grace.

Joel Mondina aka Pambansang Kolokoy, umalma: "Alam mo ba yung salitang "move on?"
Joel Mondina aka Pambansang Kolokoy, umalma: "Alam mo ba yung salitang "move on?"
Source: Facebook

Walang binanggit na pangalan si Joel ngunit aniya ay dapat tantanan na ang paninira lalo at nanahimik naman at mukhang masaya na sila. Dagdag pa niya, magta-tatlong taon na at dapat ay mag-move on na sila.

Read also

Cristy Fermin, nilinaw na wala umano siyang galit kay Vice Ganda

Dapat pag tahimik na yung tao at mukhang masaya na, tantanan na at huwag kung ano ano pang mga paninira ang sinasabi. Mag tatatlong taon na, alam mo ba yung salitang "MOVE ON"?

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy ay nakilala sa kanyang mga nakakaaliw na mga online videos. Isinilang siya sa La Union at lumaki sa Baguio City kasama ang kanyang lolo at lola. Taong 1994 nang lumipat siya sa US para makasama ang kanyang mga magulang na OFW.

Matatandaang inamin ni Joel Mondina sa pamamagitan ng isang video ang tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang misis na si Grace Mondina. Aniya, ayaw pa sana niya magsalita dahil may prosesso silang ginagawa ngunit marami umano ang nagtatanong kung bakit hindi na kasama si Marites sa mga video na binahagi ni Joel. Inamin niya din na mayroon siyang bagong karelasyon sa kasalukuyan at masaya umano sila. Nilinaw din niyang maayos ang kalagayan ng kanilang mga anak at hindi umano siya pabayang ama.

Samantala, matapos lamang ang ilang araw na rebelasyon ng kanilang hiwalayan, nagkasama muli sa vlog sina Pambansang Kolokoy at Marites. Marami raw umano sa kanilang mga subscribers ang nakaka-miss kay Marites kaya naman pinagbigyan nila itong makita muli. Nagbigay mensahe rin si Pambansang Kolokoy sa mga balak na mag-unsubscribe sa kanya dahil sa nangyari.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel