Zeinab, natuwa sa sagot ni Lucas sino ang paborito nito: "Mommy and Daddy Ray"

Zeinab, natuwa sa sagot ni Lucas sino ang paborito nito: "Mommy and Daddy Ray"

- Natuwa si Zeinab Harake sa naisagot ng kanyang anak na si Lucas kung sino ang paborito nito

- Nagbigay siya ng ilang pangalan at madalas nitong isagot na ang kanyang 'mommy' ang kanyang paborito

- Sa pinakabagong video ni Zeinab makikita kung gaano na ka-close ang kanyang mga anak sa kanilang Daddy Ray

- Maging si Lucas man o si Bia ay madaling nakagaanan ng loob ang bagong boyfriend ni Zeinab

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagulat pero natuwa si Zeinab Harake sa sagot ng panganay niyang anak na si Lucas kung sino ang paboritong tao nito.

Zeinab, natuwa sa sagot ni Lucas sino ang paborito nito: "Mommy and Daddy Ray"
Bobby Ray Parks Jr. and Lucas Harake (@lucas.harake)
Source: Instagram

Sa pinakabagong vlog ni Zeinab, ginawa nila itong unboxing video ng mga regalo kay Lucas sa katatapos lang na 6th birthday nito.

Habang nagbubukas ng mga regalo, natanong niya kung sino ang mas pipiliin ni Lucas sa mga taong malalapit sa kanya.

Read also

Zeinab Harake, pinakita sa vlog ang pagiging malapit ng mga anak sa kanilang Daddy Ray

Sa mga pagpipilian, madalas na maisagot ni Lucas ang "Mommy" at ito'y si Zeinab.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ngunit nang papiliin ni Zeinab si Lucas kung sino ang paborito nito sa kanilang dalawa ng kanyang boyfriend na si Bobby Ray Parks Jr., "Mommy and Daddy Ray" ang naisagot nito.

Nang iklaro pa ni Zeinab kay Lucas kung pantay na ang love ni Lucas sa kanya at sa Daddy Ray nito, "yeah" naman ang naisagot nito.

Samantala, narito ang kabuuan ng naturang video:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.6 million subscribers sa kanyang channel. Siya ay nabiyayaan ng dalawang anak, sina Lucas at Bia.

Inspirasyon ang hatid ng karamihan sa kanyang vlogs lalong-lalo na pagdating sa pagmamahal at pag-aaruga niya sa kanyang pamilya lalong-lalo na sa kanyang mga anak.Gayundin ang pagmamalasakit niya sa kanyang mga magulang at mga kapatid at maging ang bumubuo ng kanyang 'Team Zebbies na itinuturing na rin niya talaga na bahagi ng kanilang pamilya.

Read also

Baby Bia, super close na sa BF ng kanyang Mommy Zeinab: "Hi, Daddy Ray!"

Matatandaang sa sa isang vlog ni Zeinab, naibahagi nito kung paano siya napaiyak dahil kay Lucas. Nilarawan ni Zeinab na halos madurog umano ang kanyang puso nang malaman ito mula pa sa teacher ng kanyang anak. Naibahagi rin niya sa naturang video kung paano niya inalmahan ang mga netizens na naaawa umano kay Lucas tuwing karga ni Zeinab ang bunso nitong si Bia.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica