Baby Bia, super close na sa BF ng kanyang Mommy Zeinab: "Hi, Daddy Ray!"

Baby Bia, super close na sa BF ng kanyang Mommy Zeinab: "Hi, Daddy Ray!"

- Sa bagong vlog ni Zeinab Harake sa kanyang channel, makikita kung gaano ka-close ang mga anak nito sa bagong boyfriend

- Katunayan, Daddy Ray na ang tawag nina Lucas at Bia kay Bobby Ray Parks Jr.

- Sa video makikitang si Bia pa talaga ang lumapit kay Ray at nagpakarga pa ito

- Kaya naman hindi napigilang masabi ni Zeinab na 'family' na talaga silang maituturing

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masasabing malapit na talaga sina Lucas at Bia sa bagong boyfriend ng kanilang Mommy Zeinab Harake.

Baby Bia, super close na sa BF ng kanyang Mommy Zeinab: "Hi, Daddy Ray!"
Bobby Ray Parks Jr. and Baby Bia (Zeinab Harake YouTube channel)
Source: Facebook

Sa bagong vlog ni Zeinab sa kanyang YouTube channel, marami umano ang nakapansin kung gaano ka-close ang dalawa niyang anak sa kanilang "Daddy Ray."

Tulad na lamang ni Baby Bia na hindi lamang bumati ng "Hi, Daddy Ray" kundi nagpakarga pa ito sa kanya.

Read also

Zeinab Harake, pinakita sa vlog ang pagiging malapit ng mga anak sa kanilang Daddy Ray

Dahil dito, napakomento na si Zeinab ng "family na talaga" habang silang apat na ang magkakasama sa unboxing video ng mga regalo kay Kuya Lucas para sa kanilang vlog.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Narito ang kabuuan ng video:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga sikat na YouTubers sa bansa na mayroon nang 13.6 million subscribers sa kanyang channel. Mayroon din siyang 12 million followers sa Facebook at 5 million followers naman sa Instagram. Inspirasyon ang hatid ng karamihan sa kanyang vlogs na nagpapakita ng pagmamahal at pag-aaruga niya sa kanyang pamilya lalong-lalo na sa kanyang mga anak na sina Bia at Lucas.

Kamakailan, muling gumawa ng ingay ang pangalan ni Zeinab dahil sa umano'y nali-link sa kanyang Filipino-American professional basketball player na si Bobby Ray Parks Jr. Katunayan, ipinagtanggol pa siya ng kaibigang si Xian Gaza sa mga bashers na may iba't ibang akusasyon at hindi magandang nasasabi kay Zeinab dahil sa bago nitong kasintahan.

Read also

Zeinab, natuwa sa sagot ni Lucas sino ang paborito nito: "Mommy and Daddy Ray"

Samantala, masayang inanunsyo ni Zeinab na kasama umano siya sa isang horror film na entry sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre. Sinasabing ito ang pinaghahandaan ni Zeinab kaya naman minsan niyang naibahagi ang pagpasok niya sa acting workshop sa ilalim ni Ana Feleo. Makakasama niya sa naturang pelikula sina Derek Ramsay na nagbabalik big screen at ang mahusay na aktres na si Beauty Gonzales.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel