Cristy Fermin, ikinuwentong 'di tumanggap ng anumang regalo sina Maine at Arjo

Cristy Fermin, ikinuwentong 'di tumanggap ng anumang regalo sina Maine at Arjo

- Nabanggit ni Cristy Fermin na hindi umano tumanggap ng regalo sina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa kanilang kasal

- Naikwento rin ni Cristy ang tungkol sa pakiusap ng bagong kasal sa mga bisita na huwag munang mag-post ng picture na kuha sa kanilang kasal

- Kaya naman mapapansing wala talagang lumabas agad na mga larawan mula sa kasalan nina Maine at Arjo

- Marami talaga ang natuwa para sa dalawa sa kanilang pag-iisang dibdib lalo na at kitang-kita ang kanilang pagmamahalan lalong-lalo na sa espesyal na araw ng kanilang kasal

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa si Cristy Fermin sa mga aminadong namangha sa kasalan nina Maine Mendoza at Arjo Atayde na ginanap noong July 28 sa Baguio City.

Cristy Fermin, ikinuwentong 'di tumanggap sina Maine at Arjo sa kanilang kasal
Maine Mendoza and Arjo Atayde (@milesocampo)
Source: Instagram

Naikwento ni Cristy sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na! na hindi pala umano tumanggap ng anumang regalo sina Maine Mendoza at Arjo Atayde.

Read also

Andrea Brillantes tungkol sa 'betrayal': "Hindi totoo 'yang second chances na 'yan"

Ayon sa source ni Cristy, naaayon pa sa dadalo kung gusto nilang magbigay dahil may pinaglalaanan sina Maine at Arjo para rito.

"Ang regalo kasi kung gusto ng dadalo, magbigay na lang sa isang grupo o asosasyon dahil marami silang tutulungan na mga indigenous na mga tribo doon po sa Norte na sila mismo ang mamamahala sa pamamahagi ng mga regalo," ani Cristy.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nabanggit din niya ang dahilan bakit wala agad lumabas na mga larawan o video na kuha mismong araw ng kasalan.

"Sa marespetong paraan, sinabi nila na kinabukasan na mag-post at kung maaari walang pangalan ng lugar."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Arjo Atayde ay aktor na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa ilang teleserye kagaya ng Hanggang Kailan, The General’s Daughter, at sa iWant original series na Bagman kung saan nakasungkit siya ng maraming acting awards. Anak siya ng beteranang aktres na si Sylvia Sanches at kapatid ni Ria Atayde.

Read also

Ryzza Mae Dizon, pinasilip ang ilang kaganapan sa kasalang Arjo at Maine

Sa isang panayam ng broadcaster na si Julius Babao sa aktor na si Arjo naitanong sa kanya kung napag-uusapan na nila ni Maine ang tungkol sa pagpapakasal. Inamin ni Arjo na napag-uusapan na nilang magkasintahan ang tungkol sa bagay na ito lalo at nasa tamang gulang naman na sila at masaya sila sa isa't-isa. Ayon pa kay Arjo, umaasa siyang sila na ang magkakatuluyan ng TV host-actress at aniya ay sana hanggang sa kanilang pagtanda. Muli niya ding nabanggit kung gaano nila kamahal ang isa't-isa.

Nauna nang naibalita ng KAMI na engaged na si Maine sa kanyang boyfriend na si Arjo. Sa kanyang Instagram post ay binahagi ni Maine ang ilang pictures nila ni Arjo. Kapansin-pansin din ang kanyang suot na singsing na makikita sa apat na litratong kanyang binahagi. Bumuhos naman ang pagbati sa dalawa hindi lang mula sa kanilang fans kundi maging mula sa kasamahan nila sa showbiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica