Ryzza Mae Dizon, pinasilip ang ilang kaganapan sa kasalang Arjo at Maine

Ryzza Mae Dizon, pinasilip ang ilang kaganapan sa kasalang Arjo at Maine

- Nagbahagi si Ryzza Mae Dizon ng bagong vlog kung saan pinakita niya ang ilang kaganapan sa kasalang Arjo Atayde at Maine Mendoza

- Sa kanyang vlog ay pinakita niya ang kanyang naging paghahanda hanggang sa ilang pasilip sa reception at wedding ceremony

- Kasama din ni Ryzza ang ilan sa mga kasamahan nila sa "E.A.T."

- Matatandaang ginanap ang kasalan nitong July 28, 2023 sa Baguio

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinasilip ni Ryzza Mae Dizon ang ilang kaganapan sa kasalang Arjo Atayde at Maine Mendoza na ginanap kamakailan sa Baguio kung saan isa siya sa mga dumalo.

Ryzza Mae Dizon, pinasilip ang ilang kaganapan sa kasalang Arjo at Maine
Ryzza Mae Dizon, pinasilip ang ilang kaganapan sa kasalang Arjo at Maine
Source: Youtube

Sa unang bahagi ng kanyang vlog ay nagbahagi siya ng room tour sa hotel room na kanilang tinutulyan sa Baguio. Galing pa daw siya sa live episode ng E.A.T. at dumiretso na sila sa Baguio kasama ang kanyang ina.

Read also

Andrea Brillantes: "Kapag trinaidor ka na, wag mo na balikan"

Ikinasal sina Maine at Arjo sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel sa Baguio City.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Arjo Atayde ay aktor na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa ilang teleserye kagaya ng Hanggang Kailan, The General’s Daughter, at sa iWant original series na Bagman kung saan nakasungkit siya ng maraming acting awards. Anak siya ng beteranang aktres na si Sylvia Sanches at kapatid ni Ria Atayde.

Sa isang panayam ng broadcaster na si Julius Babao sa aktor na si Arjo naitanong sa kanya kung napag-uusapan na nila ni Maine ang tungkol sa pagpapakasal. Inamin ni Arjo na napag-uusapan na nilang magkasintahan ang tungkol sa bagay na ito lalo at nasa tamang gulang naman na sila at masaya sila sa isa't-isa. Ayon pa kay Arjo, umaasa siyang sila na ang magkakatuluyan ng TV host-actress at aniya ay sana hanggang sa kanilang pagtanda. Muli niya ding nabanggit kung gaano nila kamahal ang isa't-isa.

Nauna nang naibalita ng KAMI na engaged na si Maine sa kanyang boyfriend na si Arjo. Sa kanyang Instagram post ay binahagi ni Maine ang ilang pictures nila ni Arjo. Kapansin-pansin din ang kanyang suot na singsing na makikita sa apat na litratong kanyang binahagi. Bumuhos naman ang pagbati sa dalawa hindi lang mula sa kanilang fans kundi maging mula sa kasamahan nila sa showbiz.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel