Andrea Brillantes: "Kapag trinaidor ka na, wag mo na balikan"

Andrea Brillantes: "Kapag trinaidor ka na, wag mo na balikan"

- Naitanong kay Andrea Brillantes kung ano ang kanyang masasabi tungkol sa betrayal

- Sa kanyang bagong vlog na pinamagatang "Life Lately" ay sinubukang magbahagi ni Andrea ng mga ganap sa buhay niya

- Ani Andrea, kapag trinaidor na ang isang tao ay hindi na dapat balikan

- Dagdag pa niya, hindi siya naniniwala sa second chances

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ani Andrea Brillantes, hindi na dapat magbigay ng 2nd chances lalo kapag pinakitaan na ng hindi maganda lalo na ang betrayal. Sa kanyang bagong vlog na pinamagatang "Life Lately" ay sinubukang magbahagi ni Andrea ng mga ganap sa buhay niya.

Andrea Brillantes: "Kapag trinaidor ka na, wag mo na balikan"
Andrea Brillantes: "Kapag trinaidor ka na, wag mo na balikan"
Source: Youtube

Ani Andrea, hindi na dapat binabalikan kapag may nangyari nang betrayal dahil pinakita na daw nito ang totoong ugali niya.

Nabanggit din ni Andrea na masaya siya sa kasalukuyan at nakapag-move on na. Ayon naman sa ate niya, napapansin niyang hindi na umiiyak si Andrea.

Read also

Andrea Brillantes tungkol sa 'betrayal': "Hindi totoo 'yang second chances na 'yan"

Aminado si Andrea na isang buwan daw niyang dinamdam ang sakit matapos ang kanyang huling breakup.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa mga kontrabida role kagaya ng kanyang pagganap bilang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.

Nagbigay ng paalala ang kampo ng aktres sa gitna ng natatanggap nito na pambabatikos. Kaugnay ito sa spliced video na ginagamit umano sa kasalukuyan sa mapanirang paraan at ginagamit nang wala sa konteksto. Ito ay ang pahayag ni Andrea tungkol sa kanyang mga bashers na pinapakalat sa kasalukuyan sa social media. Mula ito sa kanyang vlog noong nakaraang taon kung saan binasa niya ang mga hate comments sa kanya.

Ayon kay Andrea, hindi niya sadya ang pagbe-baby talk niya na talaga namang palaging nagtetrending. Aniya, hindi niya napapansin na ganun na siya magsalita at minsan ay nagugulat na lamang siya kapag inaasar na siya ng mga tao. Noong bata umano siya ay kulang umano siya sa pansin kahit bunso siya at hindi siya lumaki sa mga magulang niya. Nababago lang umano niya ito kapag nasa trabaho siya at may role siyang kailangang gampanan.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel