Ogie Diaz, idedemanda umano sila ni Sabrina M: "Yung mga nanira daw sa kanya doon kay Rico Yan"

Ogie Diaz, idedemanda umano sila ni Sabrina M: "Yung mga nanira daw sa kanya doon kay Rico Yan"

- Nakarating umano kay Ogie Diaz na tila sasampahan daw umano sila ng kaso ni Sabrina M

- Ito ay kaugnay sa naging kontrobersyal na pahayag ni Sabrina M na naging karelasyon umano niya si Rico Yan sa loob ng mahigit dalawang taon

- Ilan sa mga umalma 'di umano sa naging pahayag na ito ni Sabrina ay sina Ogie Diaz, Cristy Fermin, ang malapit nitong kaibigan na si Katrina Paula at ang maging si Claudine Barretto

- Ayon kay Ogie, sila umanong apat ang sinasabing posibleng kasuhan ni Sabrina M

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakarating 'di umano kay Ogie Diaz na magsasampa umano ng kaso si Sabrina M sa mga taong nanira raw sa kanya patungkol sa naging pahayag niya kamakailan sa yumaong aktor na si Rico Yan.

Read also

Sabrina M, nagbahagi ng video tungkol sa kaibigang naninira

Ogie Diaz, idedemanda umano sila ni Sabrina M: "'Yung mga nanira daw sa kanya doon kay Rico Yan"
Sabrina M (Sabrina M Maricaren Pallasigue)
Source: Facebook

Matatandaang sa press conference ng pelikula nilang 'Manang' naging kontrobersyal ang pahayag nito tungkol sa umano'y naging relasyon nila noon ni Rico.

"Magdedemanda daw si Sabrina M. Nakipagkita na siya sa tatlong lawyers niya. Magdedemanda raw si Sabrina ng kung sino 'yung mga nanira daw sa kanya doon kay Rico Yan.Hindi nga siya nag-public apology. Wala raw siyang dapat i-apologize," ani Ogie D.

Ang nakarating pa umano sa kanya, isa siya sa mga umano'y balak na samapahan ng kaso ni Sabrina.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Pati si Katrina Paula, maging si Claudine. 'Yun din ang narinig ko, si Claudine, pati si Ate Cristy Fermin," dagdag pa ni Ogie gayung silang apat ang mga umalma umano sa naging pahayag ni Sabrina tungkol kay Rico.

"Hindi ko 'to kino-confirm. Ikaw na ang bahalang magsabi Sabrina M. Sino ba ang mga candidate mo for libel or cybercrime"

Read also

Sabrina M, sinabing hindi siya magpu-public apology kaugnay sa kanyang pahayag

Narito ang kabuuan ng talakayan nila nina Mama Loi at Ate Mrena mula sa YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Rico Yan ay dating hinahangaang aktor sa Pilipinas. Siya ay naging kasintahan ng aktres na si Claudine Barretto na hanggang ngayon ay inaalala pa rin ang yumaong aktor. Marso 29, 2002 nang gumulantang sa publiko ang pagkamatay ni Rico. Natagpuan umano siyang walang buhay sa kanyang kwarto sa Dos Palmas Resort Puerto Princesa, Palawan. Sinasabing cardiac arrest due to acute hemorrhagic pancreatitis ang sanhi ng kanyang pagpanaw.

Samantala, si Maricaren Pallasigue na mas kilala bilang si Sabrina M ay isang aktres sa Pilipinas noong 90's. Kamakailan, nagbabalik showbiz siya sa pelikulang "Manang." Nito lamang Hulyo 6, sa presscon ng naturang pelikula, ginulantang niya ang publiko sa umano'y rebelasyon tungkol sa naging relasyon nila ni Rico Yan. Sa kwento niyang ito, lumalabas na siya ang huling nakarelasyon ng aktor bago ito namayapa. Bilang patunay, sinabi pa ni Sabrina na sa libing ng aktor, inabutan pa siya ng bulaklak ng kapatid ni Rico na si Bobby para maisaboy sa kabaong ng aktor.

Read also

Cristy Fermin, inalmahan ang nasabi ni Sabrina M; inalala ang burol ni Rico Yan

Gayunpaman, sa ulat ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel, sinabing inalmahan ni Claudine ang naturang pahayag ni Sabrina M lalo na at nadawit pa ang kanyang pangalan dahil sinabi ni Sabrina na alam umano ni Claudine ang relasyon nila ni Rico Yan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel