Sabrina M, sinabing hindi siya magpu-public apology kaugnay sa kanyang pahayag

Sabrina M, sinabing hindi siya magpu-public apology kaugnay sa kanyang pahayag

- Ayon kay Sabrina M, wala daw mangyayaring public apology kaugnay sa kanyang sinabi sa umano'y naging ugnayan nila ng yumaong aktor na si Rico Yan

- Matatandaang pumalag ang kampo ni Claudine sa pahayag niyang ito at pinasinungalingan din ng isang kaibigan ni Sabrina ang tungkol sa umano'y relasyon nila noon

- Matapos nga ang paglabas ng balita ay inihayag ng kampo ni Claudine ang plano ng kampo nila na magsampa ng kaso

- Binigyan si Sabrina ng 72 hours ng abogado ni Claudine para mag-public apology at lumagpas na nga ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi magpu-public apology si Sabrina M kaugnay sa kanyang naging pahayag kamakailan tungkol sa diumano'y naging relasyon nila ng yumaong aktor na si Rico Yan. Sa ulat ng Abante Tonite, sinabi raw ni Sabrina na walang magaganap na public apology.

Read also

Cristy Fermin, inalmahan ang nasabi ni Sabrina M; inalala ang burol ni Rico Yan

Sabrina M, sinabing hindi siya magpu-public apology kaugnay sa kanyang pahayag
Sabrina M, sinabing hindi siya magpu-public apology kaugnay sa kanyang pahayag (Claudine Barreto's Instagram @claubarretto) and (Sabrina M's Facebook)
Source: Instagram

Ibinahagi din ni Sabrina ang link ng naturang article ng abante sa kanyang news feed. Matatandaang pumalag ang kampo ni Claudine sa pahayag niyang ito at pinasinungalingan din ng isang kaibigan ni Sabrina na si Katrina Paula sa pamamagitan ng panayam ni Cristy Fermin sa kanya.

Matatandaang sa programa ni Ogie Diaz ay nabanggit nito ang tungkol sa plano ng kampo ni Claudine na magsampa ng kaso.

Nakapanayam naman sa programa ni Cristy Fermin ang abogado ni Claudine kung saan nagbigay ito ng taning.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Samantala, lumagpas na nga sa binigay na taning ng abogado ni Claudine na si Atty. Topacio.

Si Claudine Barretto ay nagsimulang makilala nang mapabilang siya sa "Ang TV" noong taong 1992. Nang sumunod na taon, napabilang siya sa palabas na pinagbibidahan ng comedy king na si Dolphy Quizon na "Home Along Da Riles." Kabilang sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Mula sa Puso, Saan Ka Man Naroroon, Sa Dulo ng Walang Hanggan, Marina, at Iisa Pa Lamang. Ikinasal siya sa aktor na si Raymart Santiago noong taong 2006 ngunit kalauna'y nagkahiwalay din.

Read also

Ricci Rivero, binigay ang mga katangiang hanap niya sa isang babae: "Matured"

Matatandaang isang love letter ang ibinahagi ni Claudine sa kanyang Instagram account. Marami sa mga fans ng tambalan nila ni Rico Yan ang kinilig sa love letter na ito ng yumaong aktor. Hindi man sila nagkatuluyan dahil sa pagpanaw ng matinee idol, nanatili ang pagsuport ng mga fans ng kanilang tambalan. Nauna nang nakapagbahagi si Claudine ng iba pang love letters ng aktor para sa kanya.

Naibahagi naman nina Cristy Fermin ang tungkol sa pag-usad ng annulment nina Raymart Santiago at Claudine. Sinasabing si Raymart na rin umano ang nag-file ng annulment ng kasal nila ni Claudine. Ang nakikita umanong dahilan nina Cristy ay ang pagnanais di umano ni Raymart na pakasalan si Jodi Sta. Maria. Hindi man ganoon kaingay sa social media ngunit minsan nang naisapubliko ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel