Cristy Fermin, inalmahan ang nasabi ni Sabrina M; inalala ang burol ni Rico Yan

Cristy Fermin, inalmahan ang nasabi ni Sabrina M; inalala ang burol ni Rico Yan

- Maging si Cristy Fermin ay umalma sa umano'y rebelasyon kamakailan ni Sabrina M tungkol sa namayapang aktor na si Rico Yan

- Ani Cristy, imposible ang sinasabing dalawang taong relasyon nina Sabrina at Rico gayung si Claudine ang huling nakarelasyon ng aktor

- Kaugnay nito, inalala rin ni Cristy ang pagkakataong siya ang naging daan para makausap lang ni Claudine ang labi ni Rico

- Ito ay dahil sa binawalan umano ng pamilya ng aktor na magtungo si Claudine sa burol nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Maging ang kilalang entertainment reporter na si Cristy Fermin ay umalma sa pasabog ni Sabrina M na sinabi kamakailan ang 'di umano'y relasyon nila ni Rico Yan na tumagal pa raw ng mahigit dalawang taon.

Cristy Fermin, inalmahan ang nasabi ni Sabrina M; inalala ang burol ni Rico Yan
Claudine Barretto and Rico Yan (Showbiz Now Na!)
Source: Youtube

Ayon kay Cristy, imposible umano ito gayung si Claudine ang pinakahuling nakarelasyon ng aktor bago ito pumanaw noong 2002.

Read also

Ogie D, idedemanda umano sila ni Sabrina M: "'Yung mga nanira daw sa kanya doon kay Rico Yan"

Kaugnay nito, inalala pa ni Cristy ang pagkakataong hindi makapunta si Claudine sa burol ng nobyo.

Siya umano ang naging daan, mabulungan lang ni Claudine ang labi ni Rico.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Hindi rin pinalalapit si Claudine noon e ng pamilya ni Rico Yan. Bawal siyang sumilip doon sa kabaong. Ang nangyari noon. Para lang makausap ni Claudine si Rico nakiusap siya sa akin. Nanay pupwede po ba na 'yung telepono niyo ay pakitapat niyo sa tenga ni Rico sa loob ng kabaong. Alam mo tiniis ko 'yun matagal na panhon yun. Talagang habang nagsasalita siya pinakikinggan ko, humahagulhol siya, 'I love you so much. I'm sorry' Itinatapat ko 'yun sa tenga ni Rico Yan sa kabaong. Gano'n katindi."

Kaya naman, ganoon na lamang ang pagtataka ni Cristy kung saan nanggagaling ang mga naging pahayag ni Sabrina M na hindi raw talaga umano kapani-paniwala.

Read also

Sabrina M, nagbahagi ng video tungkol sa kaibigang naninira

"Gaano kakapal ang mukha ng isang tao na kayang mag-imbento ng kwento tungkol sa isang pumanaw na na hindi na kayang idipensa ang kanyang sarili," ani Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan sa kanilang YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Si Rico Yan ay dating hinahangaang aktor sa Pilipinas. Siya ay naging kasintahan ng aktres na si Claudine Barretto na hanggang ngayon ay inaalala pa rin ang yumaong aktor. Marso 29, 2002 nang gumulantang sa publiko ang pagkamatay ni Rico. Natagpuan umano siyang walang buhay sa kanyang kwarto sa Dos Palmas Resort Puerto Princesa, Palawan. Sinasabing cardiac arrest due to acute hemorrhagic pancreatitis ang sanhi ng kanyang pagpanaw.

Samantala, si Maricaren Pallasigue na mas kilala bilang si Sabrina M ay isang aktres sa Pilipinas noong 90's. Kamakailan, nagbabalik showbiz siya sa pelikulang "Manang." Nito lamang Hulyo 6, sa presscon ng naturang pelikula, ginulantang niya ang publiko sa umano'y rebelasyon tungkol sa naging relasyon nila ni Rico Yan. Sa kwento niyang ito, lumalabas na siya ang huling nakarelasyon ng aktor bago ito namayapa. Bilang patunay, sinabi pa ni Sabrina na sa libing ng aktor, inabutan pa siya ng bulaklak ng kapatid ni Rico na si Bobby para maisaboy sa kabaong ng aktor.

Read also

Pambansang Kolokoy, nilinaw na kailanma'y 'di naisama sa picture o video ang bagong partner

Gayunpaman, sa ulat ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel, sinabing inalmahan ni Claudine ang naturang pahayag ni Sabrina M lalo na at nadawit pa ang kanyang pangalan dahil sinabi ni Sabrina na alam umano ni Claudine ang relasyon nila ni Rico Yan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel