Claudine Barretto, balak magdemanda dahil sa nasabi ni Sabrina M ayon kay Ogie Diaz

Claudine Barretto, balak magdemanda dahil sa nasabi ni Sabrina M ayon kay Ogie Diaz

- Nabanggit ni Ogie Diaz na balak umanong magdemanda ni Claudine Barretto dahil sa naging pahayag ni Sabrina M tungkol sa namayapang aktor na si Rico Yan

- Ani Ogie, ito ay dahil nadawit pa ang pangalan ni Claudine sa rebelasyon ni Sabrina na wala naman umanong katotohanan

- Bukod kay Claudine, isa rin ang pangalan ni Bobby Yan sa mga nabanggit ni Sabrina upang mapalabas na totoo umano ang kanyang pahayag

- Subalit si Ogie Diaz mismo ang nakakausap sa kaibigan ni Sabrina at sinabing tila pinanindigan na lamang nito ang pahayag kahit hindi raw talaga ito totoo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

May balak umanong magsampa ng demanda si Claudine Barretto dahil sa nasabi ni Sabrina M tungkol sa namayapang aktor na si Rico Yan.

Claudine Barretto, balak magdemanda dahil sa nasabi ni Sabrina M ayon kay Ogie Diaz
Claudine Barretto (@claubarretto)
Source: Facebook

Matatandaang sa press conference ng bagong proyektong kinabibilangan ni Sabrina M, gumulantang sa publiko ang nasabi nitong nagkaroon sila ng dalawang taong relasyon ni Rico.

Read also

Ogie D kay Sabrina M: "Po-promote lang ng pelikula gagamit pa ng pangalan ng patay"

Ayon pa kay Sabrina, alam daw ito ni Claudine na noo'y ex-girlfriend na ni Rico. Maging ang kapatid ni Rico na si Bobby, ay alam umano ang relasyon.

Sa bagong episode ng Showbiz Update ni Ogie Diaz, sinabing nakausap niya ang kaibigan ni Sabrina na siyang nagkumpirmang walang katotohanan ang mga nasabing ito ni Sabrina M.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Di daw totoo. Di daw po totoo yun. Dahil sinabihan na po ng isang kaibigan si Sabrina M na wag nang ikakalat ang hindi totoo. Dahil ang totoo, naging gentleman si Rico Yan sa kanilang lahat, sa kanilang mga girls. That includes si Sabrina M"

Sa naturang episode din nabanggit ni Ogie ang balak umano ni Claudine na umano'y nadamay pa ang pangalan sa pahayag ni Sabrina.

"Nabubwisit si Claudine Barretto. Dahil balak magdemanda ni Claudine Barretto. Dahil hindi raw totoo 'yung sinasabi ni Sabrina M na aware si Claudine. Ginagamit pa si Bobby Yan. Ang claim pa ni Sabrina M, binigyan pa raw siya ng bulaklak ni Bobby Yan para ilagay dun sa nitso bago isara. Hindi rin naman daw totoo 'yun," ani Ogie Diaz.

Read also

Ogie D, nabalitaang 'di na isinama sa isang show si Awra dahil sa umano'y bar brawl sa Makati

"Bakit Sabrina, bakit kailangang mag-imbento? Kung gustong magbalik," dagdag pa nito. Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag.

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Mama Loi, Ate Mrena at Ogie Diaz sa kanilang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Maricaren Pallasigue na mas kilala bilang si Sabrina M ay isang aktres sa Pilipinas noong 90's. Kamakailan, nagbabalik showbiz siya sa pelikulang "Manang."

Nito lamang Hulyo 6, sa presscon ng naturang pelikula, ginulantang niya ang publiko sa umano'y rebelasyon tungkol sa naging relasyon nila ni Rico Yan. Sa kwento niyang ito, lumalabas na siya ang huling nakarelasyon ng aktor bago ito namayapa noong March 29, 2002. Bilang patunay, sinabi pa ni Sabrina na sa libing ng aktor, inabutan pa siya ng bulaklak ng kapatid ni Rico na si Bobby para maisaboy sa kabaong ng aktor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel